Now Reading
15 Minute Workout Para Sa Healthy at Fit na Pangangatawan

15 Minute Workout Para Sa Healthy at Fit na Pangangatawan

Lahat tayo ay nais magkaroon ng isang fit at healthy na pangangatawan na nangangailangan ng disiplina, tamang pagkain, at workout o exercise. At sa pagiging fit at healthy, nakikinabang ang ating katawan, humahaba ang ating buhay, at mas nagiging masiyahin tayo ngunit isa sa mga dahilan kung bakit mahirap ma-achieve ang ganitong bagay ay kulang tayo sa oras o wala na tayong oras para dito lalo na sa workout o exercise, madalas ay nakakain o napupunta eto sa ibang bagay gaya ng pag o-overtime sa opisina o sa dami ng paperworks, pamamasyal at ang napakatinding traffic. Kaya naman kami dito sa SHY ay magbibigay sainyo ng full body workout sa loob lamang ng 15 minuto na hindi mon a kailangna pang lumabas ng bahay at pumunta sa gym, imposible? Posible! Kaya’t narito na ang 15 minute full body workout na dapat mong subukan sa loob ng iyong bahay.

Warm-Up

Source: Google

Importante na mag-warm up muna bago simulan ang intense workout. Inihahanda ng warm-up ang iyong katawan para hindi ito mabigla o magkakaroon ng injury. Maaring simulan ang workout sa stretching, jog in place, squat, jumping jacks at lunges, gawin ito sa loob ng 1 hanggang 2 minuto.

Push Up

Source: Healthy Wellness 2018

Nakakapagpalakas ng braso, legs, at core ang workout na push up. Gawin ito sa patag na sahig o sa exercise mat. Ilapat ang kamay sa sahig kagaya ng isang plank position. Itulak ang iyong katawan pataas at gawin din ito pababa ng hindi dumadampi sa sahig. Ulitin ito ng 10 beses o sa loob ng 2 minuto kasama ang 10 segundong pahinga.

Burpee

Mula sa push up position ay mag push up pataas at tumalon pataas nang nakaangat ang kamay at tuamlon pabalik sa plank na position. Gawin ito ng 10 beses sa loob ng 3 minuto kasama ang 10 segundong pahinga.

Ab lower & lift

Source: Google

Humiga ng lapat sa mat at diretsong i-angat ang mga binti pataas at pababa nang hindi sumasagi sa sahig o mat. Panatilihin ang dalwang kamay sa gilid at nakalapat sa sahig. Ulitin ito ng 10 beses sa loob ng 2 minuto kasama ang 10 segundong pahinga.

Tricep Dips

See Also

Source: Google

Umupo sa mat ilagay ang kamay sa gilid at itulak ang sarili pataas, i-bend ang mga tuhod at itulak ang sarili pataat at pababa, gawin ang workout ng 10 beses sa loob ng 3 minuto kasama ang 10 segundong pahinga.

Cool Down

Source: Google

At syempre hindi pwedeng matapos ang workout mg walang cool down, at kagaya ng sa warm up ay maari itong proper breathing na may kasamang stretching, gawin ang cool down sa loob ng 2 hanggang 3 minuto.

At ayan na nga mga ka-SHY, snduin lamang ang mga workout na ito, gawin ito sa araw-araw sa loob ng 15 minuto at siguradong makikita mo ang resulta sa loob ng 1 hanggang 2 linggo. Paalala lamang, mabuting kumunsulta muna sa iyong Dotor dahil minsan ay hindi pare-pareho ang angkop na workout sa lahat, kaya’t mas mabuting ang angkop sa iyong kalagayan at katawan ang sundin. Maging healthy at fit sa mga workout tips na aming hatid, happy workout mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top