Now Reading
9 Perfect Jeans Para sa Iyong Araw-Araw na Needs

9 Perfect Jeans Para sa Iyong Araw-Araw na Needs

Isa ang jeans sa mga pinakamatibay at madalas na sinusuot nating mga kababaihan at siguradong hindi mawawala ang jeans sa kahit anumang porma o style na iyong naisin. Nariyan ang classic na denim jeans, ang street style na ripped jeans, at ang nauusong skinny jeans. Masasabing isa sa mga mabiling kasuotan sa kahit anong brand ang jeans. Bukod sa mga classic at uso nitong style, ito ay dahil na rin sa tibay at kalidad ng produkto na gustong-gusto ng mga mamimili. At dahil umuunlad din ang industriya ng fashion, isa ang jeans sa mga produktong nagbabago rin ng bihis o porma upang makasabay sa uso. Kaya naman ihahatid namin dito sa SHY ang mga iba’t-ibang fashionable at trendy jeans na maari mong isuot sa pang araw-araw at sa kahit anong okasyon.

High Rise Jeans

Ang jeans na ito ang makakapagbigay hubog sa iyong waistline. Isa ito sa mga nauusong jeans sa ngayon dahil sa hatid nitong retro style! Ternuhan lamang ito ng simpleng tuck in tees at ma-achieve mo na ang hourglass body shape!

Boyfriend Jeans

Isang uri ng jeans na may masikip na bewang at loose pagdating sa ibaba na mag baggy look. Nauuso ang boyfriend jeans lalong lalo na sa mga nagnanais magkaroon ng street style look!

Cropped Wide-Leg Jeans

Dahil sa wide-leg at high waist nitong style, gustong-gusto ito ng mga kababaihan. Maging breezy ang pakiramdam sa jean na ito na maaring ipareho sa sneaker, flast, o heels.

Straight Cut o Cigarette Jeans

Kagaya ng isang cigarette, mayroon itong diretso at narrow na cut kaya kung gusto mong hindi masyado masikip na jeans ito ang para sa iyo. Binabalanse nito ang kurba ng iyong hips at bewang.

Flare Jeans

Isang pair of jeans na nauso noong taong 70s ang nagbabalik kung saan ang flare cut nito ay makakapagbigay ng Bohemian style and look!

Jeggings

Isang salita: komportable. Tama, ang jeggings ay isang uri ng leggings at jeans kung saan mas stretchable ito kaya’t mas makakagalaw ka ng maayos sa uri ng jeans na ito.

Skinny Jeans

See Also

Isang figure-hugging jeans na maglalabas ng hubog ng iyong hips at legs. Ito ang pinaka-popular na uri ng jeans para sa mga kababaihan.

Skinny Crop Jeans

Isa itong uri ng skinny jeans kung saan ito ay may crop o bitin na style. Ang cut ay nas aibabaw ng ankle at madalas na tineternuhan ng pares ng flats, ankle boots, heels at sneakers.

Colorful Jeans

Makulay na jeans? Bakit hindi?! Isa ang colorful jeans sa mga nauuso sa panahon ngayon. Bukod sa nakapahilig mag-eksperimento ng mga kakabaihan pagdating sa iba’t-ibang look ang colorful jeans din ay isang paraan ng pagpapahayag ng sarili o self-expression. May puti, blue, red, pink, green, yellow at kung anu-ano pang kulay na siguradong babagay sa nais mong style at look!

At ayan na mga ka-SHY ang iba’t-ibang uri ng jeans na pwede mong subukan at suotin sa kahit anong araw at okasyon. Siguraduhin lamang na ikaw ay komportable at siguraduhing matibay at de-kalidad ang mga produktong iyong gagamitin o bibilhin upang magtagal ang mga ito.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top