Now Reading
90s babies Ito na ang Pinaka-abangang Comeback ng ‘Chuva Choo Choo’

90s babies Ito na ang Pinaka-abangang Comeback ng ‘Chuva Choo Choo’

Mario kart, Chinese garter, patintero at jackstones. Ilan lamang iyan sa mga iconic na laro noong 90s. Isama na natin ang Macarena na siyang nagpaindak sa lahat nang ilabas sa publiko! Sa panahon ngayon, hindi talaga natin malikutan pa rin ang mga sumikat na laro, palabas, at tugtugin dahil naging parte ito ng pagkabata at buhay ng maraming tao sa ngayon. Kaya naman ngayong taon, isang magandang balita ang ipinahayag ng isa sa mga iconic na artista noong 90s na si Ms. Jolina Magdangal Escueta o mas kilala natin sa simpleng pangalang Jolina Magdangal.

Sino nga ba ang makakalimot kay Jolens na na ka-loveteam si Marvin Agustin sa romantic comedy film na “Hey Babe!” noong 1999 na isa sa mga pinasikat na pelikula nila kung saan umuso ang official soundtrack nito! Handa na ba kayong mapa-#throwback?

Ang nagpataob sa Macarena ang pinasikat ni Jolina Magdangal ang “Chuva Choo Choo”, siguro ay napakadami niyong naalala sa kantang ito mga ka-SHY! At napakaswerte natin dahil nagkaroon ito ng isang major comeback! Ikalma muna natin ang ating mga sarili mga ka-SHY at simulan nang hanapin ang mga naitatagong paru-parong hairclips, makukulay na ipit ng buhok, at muling ibalik ang mga faux highlights.

Isang video clip ang ibinahagi ni Ms. Jolina Magdangal tungkol sa comeback ng “Chuva Choo Choo” kung saan ay hinamon niya ang iba pang artista na gawin ang #ChuvaChooChooChallenge.

Isa sa mga matalik na kaibigan ni Ms. Jolina Magdangal at kasama niya rin na umawit ng “Chuva Choo Choo”, si Ms. Nikki Valdez, ang tumanggap ng challenge.

See Also

Isasama ang naturing na kanta sa ikawalong solo album ni Jolina Magdangal na ang “Back to Love”. At nasabi ba namin na kasama si Vice Ganda sa comeback ng Chuva Choo Choo na sinayaw na rin ng ating mga paboritong artista sa industriya sa palabas na ASAP?

Ayan na nga mga ka-SHY! Para sa mga umiidolo kay Ms. Jolina Magdangal at sa mga 90s babies isang major #throwback ang hatid sa atin ng kantang ito!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top