Now Reading
Aalis na nga ba si Maine Mendoza sa Eat Bulaga?

Aalis na nga ba si Maine Mendoza sa Eat Bulaga?

View this post on Instagram

nude

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Isa ka ba sa mga “main” fans ni Maine Mendoza? Kung ganoon, siguradong nabalitaan mo na na simula ngayon, hindi na natin madalas munang makikita ang aktres sa noontime show na Eat Bulaga kung saan unang siyang nadiskubre bilang si “ Yaya Dub” na katambal naman ni Alden Richards at sumikat ang iconic na “pabebe wave” na ginamit ng on screen na tambalan na ito upang magpakilig sa buong sambayanan.

Ang pagliban ni Maine Mendoza sa noontime show ay dahil sa kanyang sobrang busy na schedule. Ayon sa isang interview, si Maine Mendoza ay may dalawang paparating na pelikula. Tama, hindi lang isa kung hindi dalawang major movie na kanyang pinaghandaan at sa kasalukuyan ay on going na ang shooting para sa mga ito. Idagdag pa natin diyan ang kanyang mga sari-saring endorsements kaya naman isang pahayag ang kanyang sinabi sa kanyang mga minamahal na fans, “Movie shoots will be starting so you won’t be seeing me that often but I hope you will not forget me,” ani ni Maine.

View this post on Instagram

Sun… darating ?

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Sinabi rin nya na ma-mimiss niya ang Eat Bulaga dahil hindi na magiging madalas ang kanyang pagpunta dito, ngunit pinabulaanan niya ang mga isyu na siya ay aalis sa nasabing noontime show. Nagpapasalamat din si Maine Mendoza sa mga blessings na kanyang natatanggap at syempre sa kanyang mga fans sa walang sawang pag intindi at pagsuporta sa kaniya.

Isa sa mga pelikulang kasulukuyan niyang tinatrabaho ngayon ay ang pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity”. Makakasama niya rito si Vic Sotto at magiging entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. At ang inaabangang “Isa Pa with Feelings” na ang pelikula na pagtatambalan nila ni Carlo Aquino.

View this post on Instagram

floaties

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Isang busy at punong-puno ng blessing na taon ito para kay Maine Mendoza. Aabangan namin ang iyong pagbabalik sa Eat Bulaga pati na rin ang iyong mga upcoming movies!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top