Now Reading
Alamin ang Sikreto ni Maxene Magalona sa Pagpapapayat

Alamin ang Sikreto ni Maxene Magalona sa Pagpapapayat

Source: Google

Hindi kaila na talamak ngayon ang “body shaming” o yung pag-papahiya sa isang tao dahil sa hugis ng katawan nito. Mapa-social media man o maging sa personal, ang “body shaming” ay isang halimbawa ng di magandang kaugalian lalong lalo na kung isasapubliko ito dahil maaari itong maka-apekto sa isang tao sa hindi mabuting paraan.

Source: Google

Kamakailan lamang ay may post sa Instagram ang tatlumpu’t dalawang taong gulang na artista na si Maxene Magalona. Si Maxene o kilala bilang “Max” ay ang anak ng yumaong pambansang rapper na si Francis M. Makikita sa post nito ang isang larawan niya na nakasuot ng kulay pink na bikini at naka-kunot noo. Sinabi ni Maxene sa caption ng larawan na ito raw ang itsura ng kanyang mukha kapag nakakatanggap siya ng mga mensahe tungkol sa pagbaba ng kanyang timbang at kasalukuyang hugis ng katawan mula sa mga taong hindi niya kakilala.

Source: Google

Madalas mag-post si Max ng mga larawan niya at ng kanyang asawa na si Rob Mananquil na sabay nag-eehersisyo o “work out”. Sa katunayan, noong nakaraang taon, sinabi niya sa Instagram na lubos niyang ikinagagalak ang kanyang “fitness journey” dahil sa loob lamang ng isang taon ay naibaba niya ang kanyang timbang ng 30 lbs sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya, pag-yoga araw araw at pag-ehersisyo apat na beses sa isang linggo. Idinagdag niya rin na ang pinakamahalagang sikreto sa pagpapapayat ay ang positibong pag-iisip. At siyempre, pinasalamatan ni Max ang kanyang asawa sa walang sawang suporta at pagmamahal nito dahil lubos itong nakatulong na magbigay tiwala siya sa kanyang sarili at huwag magpatalo sa mga negatibong komento ng iba. Ikinasal ang dalawa noong Enero taong 2018 sa isang magarbong pagdiriwang sa isla ng Boracay.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top