Alamin Kung Paano ang Tamang Pagsuot ng Usong Neon Makeup Para sa iyong Susunod na Nightout

| | ,

Source: Google

Bilang mga panatiko ng makeup, walang pag-aalinlangan na nais nating huwag mahuli sa uso pagdating sa mga kulay at istilo ng makeup na isusuot. Sa kasalukuyan, ang pinakabagong uri ng makeup ay ang mga matitingkad na kulay gaya ng “electric blue” at “bright orange” o yung tinatawag na “neon makeup”. Mula sa eyeshadow, lipstick at eyeliner – ang mga kulay gaya ng “hot pink”, “aquamarine”, at dilaw ay kabilang sa usong usong makeup na ito.

Source: Google

Kahit karamihan ng kababaihan ngayon ay nahihilig sa “no makeup makeup look”, paminsan minsan ay nakakabuti ring dagdagan ng kulay ang ating mga mukha lalong lalo na kapag may “night out” o dadaluhang party sa gabi. Ang neon makeup look ay talagang nakakatawag ng pansin dahil hindi lahat ay may lakas ng loob magsuot nito. Sa katunayan, kaliwa’t kanan mong makikita sa Instagram ang mga makukulay at matitingkad na makeup na suot ng mga social media “influencers” at pati na rin ilang kilalang artista sa ibang bansa gaya nina Emma Stone at Kendall Jenner.

Source: Google

Dito sa SHY Philippines, ituturo namin sa inyo kung paano ang tamang paglagay ng neon makeup para hindi magmukhang “chaka” ang kabuuang OOTD sa espesyal na gabi na nais puntahan!

Paano gawin ang neon eye makeup

Source: Google

Una: I-prime ang mga talukap ng mata gamit ang eyeshadow primer upang masigurong magtatagal ang suot na makeup sa mata at pantay ang kulay nito.

Ikalawa: Gumamit ng patulis na eyeliner brush sa paglagay ng matingkad na eyeshadow sa tiklop ng mga mata upang makabuo ng hugis na “cat eye”.

Ikatlo: Gumamit ng blending brush upang pantay na maiblend ang kulay sa mga talukap at tiklop ng mata.

Ika-apat: Dagdagan ng itim na eyeshadow mula sa talukap ng mga mata papunta sa tiklop ng mata, Sumunod ay i-blend ito sa ibabaw ng unang eyeshadow na inilagay sa ikalawang step.

Ikalima: Siguraduhing gumamit ng mascara sa pilikmata para lalong mapansin ang pagbuka nito.

Paano maglagay ng neon lipstick

Source: Google

Una: Gumamit ng lip scrub upang ma-exfoliate ang mga labi. Ito ay dahan dahang makakapagtanggal ng mga “dead skin cells” sa iyong mga labi.

Ikalawa: Dahil hindi lahat ay may kakayahang magsuot ng itim na lipstick, ang kulay na ito ang gagamitin nating halimbawa. Ipahid ang lipstick sa labi ngunit huwag itong punan hanggang sa dulo ng labi.

Ikatlo: Gamit ang matingkad na kulay na nais, punan ang natitirang gilid ng labi ng matingkad na kulay.

Ika-apat: Gumamit ng blending brush upang maiging mapaghalo ang itim at matingkad na kulay. Siguraduhing hindi mahahalata ang linya sa pagitan ng dalawang magkaibang kulay na ito.

Ikalima: Gamit ang liquid lip liner na kulay puti, guhitan ang gilid ng mga labi.

Previous

9 Perfect Jeans Para sa Iyong Araw-Araw na Needs

Tunghayan ang Ilang OOTD Gamit ang Sapatos na Crocs

Next