Now Reading
Andrea Brillantes A.K.A Marga Sa Kanyang Bagong Makeup Collection

Andrea Brillantes A.K.A Marga Sa Kanyang Bagong Makeup Collection

Ang ating kinagigiliwan na si Marga Batolome sa high-rating afternoon drama Kadenang Ginto na si Andrea Brillantes ay naglabas ng kanyang sariling makeup line at ang gaganda ng mga ito! Nito lamang Agosto 14, masayang ibinahagi ni Andrea ang kanyang makeup line kung saan nakipag-collaborate siya sa isang sikat na makeup brand dito sa Pilipinas ang Careline.

View this post on Instagram

Ethereal Beauty ✨ #BlytheByCareline 💜

A post shared by Blythe by Careline (@blythecosmetics) on

View this post on Instagram

Such a Doll ✨ #BlytheByCareline 💜

A post shared by Blythe by Careline (@blythecosmetics) on

Blythe by Careline, ang pangalan ng kanyang makeup collection at ayon kay Andrea mahilig siya sa mga bagay na may kinalaman sa outer space at mga alien kaya naman ito ang kanyang naging inspirasyon sa kanyang makeup collection. Makikita ito sa kanyang collection kung saan may mga sparkly at bold colors na may galaxy-themed doodles, at syempre hindi niya kinalimutan ang pangangailangan ng mga Pilipina pagdating sa makeup, classic, at syempre wearable hues o mga kulay na angkop sa kahit sino.

Ang packaging ng mga makeup collection ay may spaceships, planets, at stars na nakaimprenta kaya naman mas nakakatuwa itong gamitin. Ilan sa mga produkto ng Blythe by Careline ay ang mga sumusunod:

Perfect Brow Trio

Mayroon itong tatlong shades Meteor (cool brown), Comet (warm brown) at Graphite (greyish black). May kasama itong pencil, powder, at eyebrow gel sa halagang 265 pesos.

Face Palette

Eclipse na may bronze eye palette, berry tint, twilight na may neutral tone, at peachy tint na maaring gamitin sa araw-araw.

Starlight Eyes Liquid Eyeshadow

Siguradong kikinang ang iyong mga mata sa eyeshadow na ito, konting apply lang at iblend ng maayos para ma-achieve ang metallic eyes. Mamili lang sa shade ng Cassiopeia, Lynx, o Pegasus.

Cloud Tint

Creamy at easy gliding ang signature lip tint na ito na personalized mismo ni Andrea. Mayroon itong 6 na shades.

Stellar Satin Lipstick

Kung nais mo naman ng mas natural na look sa iyong labi subukan ang Stellar Satin Lipstick sa apat nitong shade Juliet, Calypso, Pheobe at Titania.

Majestic Matte Lipstick

At syempre kung nais mo naman ng makulay at agaw pansin na lipstick, para sa iyo ang majestic matte lipstick. Mayroong apat na shade ito: ang Kelvin sa kulay nitong bright orange, Phoenix na vibrant red, Vixen na deep purple, at Cosmic sa kulay nitong blue.

Kaya naman huwag na kayong pahuhuli mga ka-SHY, subukan na ang Blythe by Careline.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top