Now Reading
Ang ating Pambansang bae Alden Richards nagtungong South Korea para sa Seoul International Drama Awards

Ang ating Pambansang bae Alden Richards nagtungong South Korea para sa Seoul International Drama Awards

Ang GMA heartthrob artist at ang pambansang bae na si Alden Richards ay lubos ang pasasalamat sa pagunlad at paglago ng kanyang career bilang isang actor. Isa na dito ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo ang Hello, Love, Goodbye na highest grossing film ngayong taon.

Ang bago nyang clothing line sa kolaborasyon nila ni Avel Bacudio ang AvelxAlden kung saan nagtungo sya sa New York upang i-shoot ang ibang scences para sa advertisement.

Nagtungo rin si Alden sa Davao para sa Kadayawan Festival kasama ang cast ng The Gift, ang pinaka bagong serye na ipapalabas sa GMA, kung saan pagbibidahan ito ni Alden kasama sina Thia Thomalia, ang bago nyang love team sa serye, Ysabel Ortega at Mikee Quintos, upang i-promote ang kanilang bago nilang serye at upang makisaya kasama ng mga fans.

Martes, Agosto 27, bumiyahe naman si Alden papuntang South Korea upang daluhan ang Seoul International Drama Awards kung saan sya naimbitahan. Masaya ang Kapuso hunk dahil kinikilala ng ibang bansa ang kanyang talent bilang isang akto at sulit umano ang kanyang hirap at pagod sa pagaartista. “Second recognition ko ito so it goes to show na worth it ‘yung hirap at pagod sa pagiging artista.” sagot ni Alden sa isang interview.

Matatandaan na nakatanggap narin ng rekognisyon si Alden mula sa New York Festival para sa kanyang pagganap sa “Alaala: A Martial Law Special” kung saan nakakuha si Alden ng Silver Award. Kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay bibigyang muli sya ng parangal para sa kanyang galling at husay sa pag arte. Hindi lang si Alden ang natuwa sa balita, maging ang mga tagahanga, kaibigan at pamilya ng actor ay nagpaabot ng pagbati sa nakuhang rekognisyon.

Muli ay pinatunayan ni Alden ang kanyang bukod tanging talent hindi lang dito sa ating bansa kundi napapansin din ng mga banyagang lugar kaya naman Congratulations para sa ating pambansang bae, Alden Richards!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top