Now Reading
Ang mensahe ni Direk Cathy Garcia na nagpaiyak kay Alden Richards

Ang mensahe ni Direk Cathy Garcia na nagpaiyak kay Alden Richards

Isang thanksgiving party ang ginanap noong Martes, Septyembre 3 ng Team HLG-Hello, Love, Goodbye, pagkatapos kumita ng kabuuang 880 milyon sa pagpapalabas dito sa atin at maging sa ibang bansa na tinaguriang “highest grossing Philippine film of all time” dahil tumabo ito ng husto sa takilya.

Sa pangunguna ni Direk Cathy Garcia Molina, nagbigay ang nasabing director ng mensahe para sa lahat ng bumubuo ng HLG, at sa kanyang mensahe para kay Alden naging emosyonal ang aktor. Si Kathryn at Alden, na galing sa magkaibang TV network ay pinagsama sa unang beses para sa pelikulang ito, ang pagsasama ng dalawang artist mula sa magkaibang network ay nag dulot ng saring-saring reaksyon mula sa mga tagahanga ni Kathryn at Alden. Kaya naman sa simula palang ay sinubok na ang natatanging kolaborasyon na ito.

“You are our family already,” sambit ni Direk Cathy kay Alden at agad naging emosyonal at lumuha ang aktor. Sinabi din nya kay Kathryn at Alden na sila ay kanyang mga kaibigan, “Beyond being actors, you are my friends…Nandoon ka man sa kabila, estasyon lang ang naghiwalay. This is not goodbye, Alden…Thank you very much, Alden. You are one of the most mabait and humane person na nakasama namin sa set. Thank you for all the trust, not just to me, but to your co-stars, especially to Kathryn, and to my staff. They’re very important to me, and you gave the same importance to them. I am very grateful to you,” mensahe ni Direk Cathy kay Alden na lumuluha sa speech na para sa kanya. “This is what I am proud of: Whenever we make films, we don’t just make films, we create family. We don’t just create the story that you watch, we create our own stories of friendship and love,” dagdag ni Direk Cathy para sa bumubuo ng Hello, Love, Goodbye.

Hindi rin pinlampas ni Alden ang pagkakataon na magsalita at magpasalamat sa Team HLG, sa kanyang speech sinabi nyang,  “Ang dami ko pong gustong sabihin since day one, kung gaano po ako ka-grateful na sinugalan niyo po ako. Thank you, kasi hindi ko na-realize na I am that worthy…“To everyone who’s here, this project made me realize that there’s beauty in collaboration and unity. We all live in one industry. We all have the same goals, and that’s to entertain and inspire people… To more beautiful collaborations, kesyo magkalabang network pa po ‘yan,… “Gusto ko ipagpasalamat sa ABS-CBN at Star Cinema na hindi nila ako tinrato na taga-iba, taga-kabilang network, taga-GMA. I’m so grateful na I was treated the same way that all of the actors here at ABS-CBN are treated,” atos pusong pasasalamat ng aktor sa pagkakatong ibinigay sa kanya.

Ang tagumpay ng Hello, Love, Goodbye ay nag iwan ng marka sa industriya ng pelikulang Pilipino maging sa puso ng karamihan kaya naman muli binabati naming ang bumubuo ng HLG at hanggang sa muling pagkikita Ethan at Joy!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top