Ang Mga Liquid Lipstick Para Sa Mga Laging On-The-Go!

| | ,

Alam niyo ba na isa ang lipstick sa pinaka mabentang makeup products na binibili ng mga kababaihan? Kaya naman lumago na ng tuluyan ang industriya sa paggawa nito at napakarami nang uri at kulay ng lipstick mula sa simpleng glossy at pula na klasik na itsura nito. Nariyan ang nauusong matte finish na lipstick, ang patok na patok sa mga “millennials” na liptint, ang duo lipstick, at ang ating itatampok na liquid lipstick. Sa katunayan ay napakaraming makeup brands na naglalabas ng lipstick na limited edition o mga lipstick na kaakibat ang mga kilalang personalidad upang mas mabili ito. At maging ang ating mga kilala at sikat na mga artista local man o internasyonal ay sumusubok na ring magnegosyo sa larangan ng makeup lalong lalo na sa lipstick dahil bukod sa hilig din nila ito ay maraming mga kababaihan ang siguradong gustong masubukan ang produkto. Kaya naman sa dami ng liquid lipstick products ay alin kaya sa mga ito ang pinka “the best” o ika nga ang mayroong pinakamagandang kalidad, pasok sa budget o reasonable ang presyo, at siguradong magtatagal. Umpisahan na natin ang listahan para sa best liquid lipstick product na dapat mong subukan.

Maybelline New York Superstay Matte Ink

Nang inilabas ng Maybelline ang liquid lipstick na ito ay talaga namang agad na tinangkilik ng kanilang mga avid users ang produkto bukod sa ito ay pasok sa budget sa halagang 399 pesos ay hindi ka na manghihinayang dahil sa ito ay long lasting at may higit na 18 shades na pwede mong pagpilian depende sa iyong kagustuhan.

Huda Beauty Liquid Matte

Kilala ang Huda Beauty liquid lipstick sa long lasting at non drying formula kaya kahit maghapon mo na itong suot ay hindi mo na kakailanganin na mag-apply uli ng lipstick. Meron itong 14 shades na siguradong babagay sa iyo.

Jeffree Star Cosmetics Velour Liquid Lipstick

Heads up para sa mga fans ni Jeffree Star! Isa sa mga pinakabagong collection sa kanyang sariling makeup line ay ang Velour liquid lipstick na mayroong 31 shades. Tama ang inyong nababasa. 31! Kasama na diyan ang khaki green at sky blue na mga hindi ordinaryong kulay ng lipstick na maisusuot mo sa araw-araw sapagkat bakit hindi? Bukod sa ito ay long lasting napakabango pa ng amoy ng mga ito.

L’Oreal Paris Rouge Signature

Para sa mga mahilig sa light wearing lipstick, ito ang babagay para sa inyo. Ang formula ng liquid lipstick na ito ay maikukumpara sa liptint na creamy, light weight, at hindi dense sa labi. Ito ay may rouge formula na may intense color.

NYX Soft Matte Lip Cream

Isa sa mga kinagigiliwang liquid lipstick ang NYX Soft Matte Lip Cream, dahil sa flat matte finish at sa creamy formula nito na napakadaling i-apply sa labi.

Revlon Ultra HD Matte Lipcolor

Isa ang Revlon sa makeup brand na may subok nang kalidad. Ang liquid lipstick na ito ay mayroong moisturizing effect, light weight, at velvet finish.

Ayan na nga mga ka-SHY, ang mga best liquid lipstick na maari mong mabili sa mga malls, grocery, at maging sa online stores kaya i-level up na ang inyong lipstick game sa mga liquid lipstick na ito!

Previous

“Walang ibang taong naging dahilan ng break-up” Gerald Anderson breaks his silence about the controversy

Para Sa Iyong Monolid Eyes, Ito Ang Sagot Sa Iyong Mga Dasal

Next