Angelica Panganiban at Coco Martin magtatambal sa isang pelikula para sa taong 2020

| | ,

Magtatambal sina Angelica Panganiban at Coco Martin sa isang pelikula na pinamagatang Love or Money na ipapalabas sa susunod na taon. Naganap ang story conference para sa pelikulang ito noong Martes, Desyembre 10, si Mae Cruz-Alviar ang magiging direktor ng nasabing pelikula at sa ilalim ng Star Cinema productions.

Naging magkatrabaho na sina Angelica at Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano nang maging parte si Angelica sa isa sa mga episodes nito noong 2016. Tinanong kay Coco kung matitigil ba ang Ang Probinsyano ngayon na siya ay magiging abala sya sa pag-shoot ng kanyang bagong pelikula, pabirong sumagot naman si Angelica, “Stop muna yung Probinsyano, ako lang yung nakapagpatigil! Wait lang daw muna, ha. Wait lang.”

At tumugon naman si Coco ng , “Actually maayos naman yung schedule. Sanay din naman ako na habang nagpo-Probinsyano, nakakagawa ng pelikula. Pinaghahandaan kasi talaga namin ito. Ang wish namin mahabol talaga for Valentine’s.” Ang FPJ’s Ang Probinsyano ay nagsimulang umere sa telebisyon noong 2015 kaya kinakabahan at excited si Coco sa bagong pelikula na ito dahil sa tema ng pelikula.

View this post on Instagram

😍

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Samantala, hindi pa man nakakausad sa tagumpay ng pelikulang pinagbidahan ni Angelica Panganiban kasama sina Bea Alonzo at Richard Guttierez ang Unbreakable, ay meron nanamang isang biyayang pelikulang dumating. Tinanong ang aktres tungkol sa kanyang nararamdaman na makakatambal nya sa uang beses si Coco, “Siyempre ang tagal natin siyang nakikita sa Probinsyano. Nag-Probinsyano ako pero sandali lang, isang buwan lang, so iba rin ‘yung magiging experience na makagawa ng movie together. Ibang flavor naman ang gagawin niya, iba rin ang mai-o-offer namin,” pahayag ni Angelica.

View this post on Instagram

😊😘😍

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Ayon naman sa direktor na si Mae, matagal na umanong naisip ang konsepto para sa pelikulang ito, nagantay umano sila ng tamang panahon at perfect casting upang umusad ang proyekto. Asahan na kikiligin, maiiykat at matatawa ang mga manunuod sa pelikulang ito na sakto sa araw ng Valentine’s sa 2020.

Sisimulan ang shooting sa pelikula sa unang buwan sa sususnod na taon, kaya naman sabay-sabay nating antabayanan ang mga update ukol sa pelikulang ito.

Previous

Watch Kevin Hart & Dwayne Johnson Burn and Butter Each Other Up As We Give Out An Honest Review of ‘Jumanji: The Next Level’

Taylor Swift is “Woman of the Decade”

Next