Now Reading
Arci Muñoz at businessman boyfriend na si Anthony Ng, kumpirmadong hiwalay na

Arci Muñoz at businessman boyfriend na si Anthony Ng, kumpirmadong hiwalay na

Kumpirmadong hiwalay na si Arci Muñoz at ang kanyang non-showbiz businessman boyfriend na si Anthony Ng. Sa episode ng Tonight With Boy Abunda noong Agost 31, Biyernes, kung saan guest sila ng kanyang leading man sa pelikulang Open, na si JC Santos at naroon sila upang i-promote ang sanabing pelikula.

Tinanong siya ni Boy Abunda “Oo o hindi: single ka na ba uli? Naghiwalay na ba kayo ng boyfriend mong si Anthony?” Ngumiti si Arci at sinabing “Bakit ako kinabahan?” tumugtog naman ang soundtrack nila nsa pelikula na “Sana” ng I belong To The Zoo, sumabay pa si Arci sa kanta ngunit hindi na nya ito natapos, napayuko sya at tinakpan nya ang kanayng mukha, ngunit pagkaangta nito bagamat nakangiti ay nagsimula nang lumuha ang aktres.

Tumango si Arci sa tanong ni Tito Boy bilang pagkumpirma sa kanilang hiwalayan, “Actually, ano naman, e… I always keep this private life private. I want to keep it that way.” sagot ni Arci. “Yes, I respect that.” tumugon naman si Tito Boy sa aktres. Nagpasalamat naman si Arci sa hindi pagungkat ng kanilang hiwalayan.

Ngasimula ang relasyon ng dalawa noong 2017 at magdadalawang buwan na umano silang hiwalay at sinabi din nyang walang third party sa kanilang hiwalayan, “it’s shallow. Maybe it’s not the right time.” At sa hiwalay na interview sinabi ng 30 anyos na aktres na hindi ang pag aartista nya at pagsabak nya sa mga sexy scenes at pagkahilig nya sa Kpop artist lalo na ang sa BTS, ““No, not really. Hindi naman po. Ever since naman, he knew naman kung ano ako. It’s just really… it’s not the right time.” Nabanggit din ng aktres na ang hiwalayn nila ay isang mutual decision.

Nasasaktan man ngayon si Arci nagiging stress reliever naman nya ang South Korean botband na BTS lalong lao na si Park Jimmin, “Kaya siguro sobrang obsessed ako ngayon sa BTS, di ba? Sobrang stress reliever ko sila ngayon.” At magaaral si Arci ng foreign language at Korean ang kukuhanin nyang kurso, I’m busy po kasi. ‘Tapos, mag-aaral din po ako ngayon. Foreign language…“Kasi nga hindi marunong mag-English yung BTS, so ako na po ang mag-a-adjust… Si RM lang ang marunong, si Jimin hindi pa. Nag-aaral din silang lahat ng English pati si Jungkook,” dagdag pa ni Arci.

Nais munang magkaroon ng oras ni Arci para sa kanyang sarili at hindi muna sa kanyang lovelife sa ngayon.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top