Now Reading
AxA: Isang Clothing Line ang inilabas ni Alden Richards

AxA: Isang Clothing Line ang inilabas ni Alden Richards

Pagkatapos ng box office hit movie ng Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan sa unag pagkakataon nila Alden Richards at Kathryn Bernardo, na tinangkilik ng lahat dahil sa kakaibang kwento at mahusay na pagganap nila Alden at Kathryn, muli ay pinatunayan nila ang kanilang pagiging mahusay na actor sa industriya.

View this post on Instagram

Lunes nanaman! Ano plano natin? 🤘🏻

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Isang clothing line naman ang ibabahagi ni Alden Richards na tamanag-tama para sa mga mahilig mag travel, athletes na gusto ng komportable at fashionable na damit na si Alden mismo ang nagdisenyo.

Ang Avel x Alden, isang kolaborasyon sa fashion designer na si Avel Bacudio at may specialize sa tinatawag na athleisure clothes.  “It’s a collection of jackets, tracksuits, jogging pants, and shirts as well,” pahayag ni Alden sa press launch party sa XYLO at the Palace.

“The design basically came from my idea, which is my comfort clothes in every day. This is my travel wear. That’s why when we were conceptualizing, ‘Anong jackets natin? Anong designs ng damit na ilalabas natin?” dagdag ni Alden sa interview.

“Sabi ko, ‘Pare, why not we go back to my clothes whenever I go to the airport, especially mga long travel?’ Yung comfort clothes. That’s why we came up with these jackets and these mga comfortable clothing.” saad ni Alden, sinabi din nya na hindi siya sigurado sa paglabas ng sarili nyang clothing line noong una dahil wala talaga syang alam tungkol sa mga damit, “Siguro po what really made me say yes to this project was when these people—pareng Avel, the team, the AxA team—really encouraged me na let’s give it a shot. You’ll never know unless you try.”

Nais rin sumubok ni Alden ng mga bagong susubukan kagaya na lamang ng cloting line, “Medyo now, I’m really going into a different perspective now that I’m in my late 20s, to venture into uncertainties. The more I’m uncertain about a thing or a project, all the more I want to do it regardless of what will happen or what the results will be.” magkakaroon ng mga bagong labas ang Avel x Alden hanggang Disyembre ngayong taon.

See Also

Nabanggit din ni Alden na ang kolaborasyon na ito ay “passion” nilang dalawa ni Avel, “Hindi lang ito collaboration na para gumagawa ng clothes, para mabili ng mga tao, hindi. Para rin ma-support yung mga visually impaired children in Baguio City.”, isang advocate si Avel sa mga visually impaired sa loob ng 7 taon at nagpapatuloy pa, at ang kanayng mga kinikita sa events at iba pang proceeds ay itinutulong nya sa Northern Luzon Association for the Blind (NLAB) sa Baguio City.

Para kay Alden, “The deeper meaning of this project is for a cause, so sana after this launch, iyon yung mag-infiltrate sa isipan ng mga makakakita nito. Moreover, the clothes and the style and the designs that we’re going to showcase tonight, it’s really for the benefit of the blind kids and for the blind people of Baguio City.”

Congratulations muli Alden at nawa ay pagpalain pa ang iyong career!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top