Now Reading
Babalik na ba si Popoy? Tignan ang pinakabagong itsura ni John Llyod

Babalik na ba si Popoy? Tignan ang pinakabagong itsura ni John Llyod

Mahigit 2 taon narin na hindi natin nakikita o napapanuod si John Llyod Cruz sa telebisyon magmula nang ibahagi nya sa publiko na sya ay mag indefinite leave muna sa showbiz kung saan ay sila na ni Ellen Adarna sa mga panahon na iyon. At noong Nobyember 2018 kumalat ang balita na buntis ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna at nanganak noong Hunyo 27, 2018 na kinumpirma ng abogado ni Ellen at John Llyod. At kamakailan ay nabalitaang naghiwalay na ang dalawa, isang cryptic post ang ibinahagi ni John Lyod sa kanyang Instagram account at sinabi nyang “From nosi balasi to kay bilis maglaho nang kahapon (minsan)” kung saan pinaghinalaan ng lahat na marahil totoo nga ang isyu na hiwalay na sila ni Ellen, ngunit hanggang ngayon ay tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa isyu na ito.

At nito lamang Agosto 28, ay isang larawan ang lumabas na ikinatuwa ng maraming netizens, ang maaliwalas at masayang mukha ni John Lloyd. Sa larawan makikita na may buhat syang bata na nakasuot ng tshirt at may kasama syang dalawang babae sa larawan. Makikita rin na wala na ang makapal na balbas at bigote ni John Llyod.

View this post on Instagram

Labyu Poy ❤️ #JohnLloydCruz

A post shared by Idan & Tisay 👫 (@lloydiebeaforever) on

Napansin ng mga netizens ang pagbabagong ito sa awra at mukha ni John Llyod, mukha syang mas masaya sa larawan kung ikukumpara sa mga litrato nya sa isang produktong ini-endorso nya.

Ikinatuwa ito ng marami, makikita rin na sinabi ng nagupload ng larawan na ito ay “ngayon lang” kinuhanan ng litrato, positibo ang komento ng mga netizens sa larawan, na si John Llyod ay nagbabalik na, pumogi lalo at umaliwalas ang itsura, sa madaling salita masaya ang ang mga tagahanga ng actor sa nakikitang kasalukuyang estado ng actor. Marami rin ang nagaabang ng mga susunod na hakbang nya sa showbiz, may mga hakahaka din na sya ay abala sa pagshoot ng isang palabas o pelikula ang “Amazing HA Hernando Show.” Sabay-sabay nating abangan ang pagbabalik ni John Llyod mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top