Now Reading
Bakit Kailangan Niyong Panuorin Ang “Family History” Ni Michael V. at Dawn Zulueta

Bakit Kailangan Niyong Panuorin Ang “Family History” Ni Michael V. at Dawn Zulueta

Kamakailan ay ipinalabas ang Family History, isang masterpiece na mula sa GMA Pictures at Mic Test Entertainment Inc. sa direksyon ng kilalang komedyante na si Michael V. At kung ikaw ay mahilig sa drama series at kwento ng pamilya, siguradong papatok sa iyo ang movie na ito.

Kilala natin si Michael V. sa pagpapatawa at ngayon na sumubok siya ng bagong tema na drama, inabangan ito ng lahat lalo na at siya pa mismo ang nag-direct ng pelikula. Bukod sa hatid niyang kurot sa puso, punong-puno ito ng aral sa buhay. Pinapakita dito ang mga pagsubok na nararanasan ng bawat pamilya, kagaya na lamang ng pagkakaroon ng sakit gaya ng cancer, ang pakikpaglaban sa sakit na ito, ang pagmamahal sa pamilya, sakripisyo at pagtitiis, at kung paano labanan ang sakit na dulot ng pangangaliwa. Lahat ng iyan ay makikita sa “Family History” na talagang makakapagbigay sa atin ng iba’t-ibang emosyon. At dahil kilala tayong mga Pilipino sa matinding pagmamahal sa pamilya ay agad itong pumatok sa mga manunuod.

At nitong July 24, ipinalabas na ito sa lahat at agad na tinangkilik, lalong-lalo na ng mga fans ni Michael V. at ng kanyang leading lady sa pelikula na ginampanan ni Ms. Dawn Zulueta. Naging maganda ang pagtanggap ng mga manunuod dito at sinuportahan at pinanuod din ito ng mga local na artista.

Nais namang humingi ng mga fans at mga nais pang manuod ng pelikula na dumami pa ang mga sinehan na magpalabas ng “Family History”. Dahil sa ayon sa mga taong nakapanuod na, siguardaong mamumulat at makakapulot ng maraming aral ang nakararami. At syempre, bukod sa drama dahil kilala natin si Michael V. bilang isang komedyante, pinaghalo niya ang comedy at drama na siya namang pumatok sa iba. Kaya kung nais mo ulit mapanuod ang “Family History”, ibahagi na ang iyong saloobin mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top