Now Reading
Basahin ang Love Story ng Pagbabalikan nina Maja Salvador at Nobyong si Rambo Nuñez

Basahin ang Love Story ng Pagbabalikan nina Maja Salvador at Nobyong si Rambo Nuñez

Source: Google

Aktres, singer, modelo, TV host, at producer – ano ba ang hindi kayang gampanan ni Maja Salvador? Bukod sa maganda, magaling sumayaw, at talentado rin sa pag-arte ang tatlumpung taong gulang na aktres. Ilan sa kanyang mga pinasikat na telenovela ay ang “Nagsimula sa Puso”, “Ina, Kapatid, Anak”, “Minsan Lang Kita Iibigin”, “The Legal Wife”, at syempre ang “Wildflower”.

Source: Google

Minsang sinabi ni Maja na hindi siya nakikipagbalikan sa kanyang mga naging nobyo o ex-boyfriend. Ngunit noong Pebrero ng taong ito, masayang inanunsyo ni Maja ang matamis na balitang sila na ulit ng kanyang dating boyfriend na si Rambo Nuñez. Sa katunayan, binanggit ni Maja sa isang interview sa palabas na “Tonight with Boy Abunda” na tumagal lamang ng tatlong buwan noong taong 2010 ang relasyon nil ani Rambo. Ani niya, bata pa sila noon at marami pa silang mas importanteng prayoridad sa buhay.

Muling nag-krus ang landas ang dalawa nang magkita sila ng di inaasahan sa isang “gym” sa isang sosyal na lugar sa Taguig. Nag-enroll dito si Maja at nagkataon namang duon din pala regular na nag-eehersisyo si Rambo. Lumapit si Rambo kay Maja at tinanong kung iyon pa rin ang cellphone number nito. Ang sagot ni Maja? Kunin ito sa assistant nyang si Ella. Ibig sabihin daw noon ay ayaw niyang ibigay ang number nya. Ngunit dahil gustong gusto ni Ella si Rambo, binigay nito ang number ni Maja mismo imbis na number nya sabay hirit ng “Uy magkaka-lovelife ka na!”

Source: Google

Simula ng buwan ng Agosto, nagsimula nang magtext si Rambo kay Maja ngunit inabot ng Disyembre nang magsimula silang mag-date. Pagdating ng Valentine’s Day noong Pebrero, sinong mag-aakala na pagkatapos ng siyam na taon ay sila ang magka-date?

See Also

Source: Google

Si Rambo ang panganay sa tatlong magkakapatid at kasalukuyang president ng kompanyang “Pop Up Digital PH” at “Forethinker Inc”. Siya ay nasa industriya ng PR at events tulad ng kanyang ina.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top