Now Reading
Basahin ang Matamis na Mensahe ni Matteo Guidicelli para sa kaarawan ni Sarah Geronimo

Basahin ang Matamis na Mensahe ni Matteo Guidicelli para sa kaarawan ni Sarah Geronimo

Kilala bilang “popstar royalty” ng Pilipinas si Sarah Geronimo. Kay rami na niyang ginampanan sa buhay: singer, aktres, modelo, dancer, brand ambassador, at ngayon ay isa na rin siyang entrepreneur dahil kalulunsad lamang ng kanyang sariling makeup brand na “POP Studio”. Si Sarah ay isa ring modelo ng kabataan dahil sa masiyahin at mabait na karakter niya sa loob at labas ng kamera. Bukod rito, mapagkumbaba at mabait na anak ang popstar princess kaya naman tinitingala at iniidolo siya ng maraming kabataang babae. Sa katunayan, pinarangalan siya ng Nickelodeon Kid’s Choice Awards bilang “Pinoy Wannabe Awardee” noong taong 2005.

Mula taong 2014, alam ng lahat na si Sarah ay karelasyon ng sikat na Filipino-Italian TV host, modelo, restauranteur, at aktor na si Matteo Guidicelli. Pinanatili nilang pribado ang kanilang relasyon kaya naman hanggang ngayon ay in love na in love pa rin silang dalawa sa isa’t isa.

Noong ikadalawampu’t lima ng Hulyo nitong taon, isinulat ni Matteo sa kanyang Instagram post ang isang matamis na mensahe para sa kanyang magandang nobya na si Sarah. Inilarawan niya rito si Sarah bilang pinakamagandang babae na naging parte ng kanyang buhay. Sinabi niya rin na kahit ilang taon na nilang napanatiling pribado ang kanilang relasyon, nais niyang isigaw sa mundo na mahal na mahal niya si Sarah. Ani niya, walang tao o bagay ang makakapigil sa kanya na mahalin ito ng lubos kada araw na darating dahil silang dalawa ay “bulletproof” o di tinatablan ng bala. Dinagdag rin niyang napa-ibig siya ni Sarah dahil sa maraming dahilan na hindi niya maipaliwanag at pinasalamatan niya ito. Sa huli, muli niyang binanggit ang mga katagang “I love you” at “Happy birthday”.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top