Now Reading
Beauty Queen Pia Wurtzbach nagbigay komento sa Instagram video ni Maymay Entrata

Beauty Queen Pia Wurtzbach nagbigay komento sa Instagram video ni Maymay Entrata

Mary Dale Entrata o mas kilala sa pangalan na Maymay Entrata ang Pinoy Big Brother Lucky 7 big winner, isang aktres, singer, komedyante at model. Si Maymay ang pinaka unang Pinay na rumampa sa isang Arab fashion week.

Malayo na nga ang narrating ng anting paborito, kwela at masiyahin na si Maymay, isa sa mga patunay nito ang kanyang lumalagong career kasama ang kanyang on-screen loveteam na si Edward Barber na dati nya ring kasamahan sa Pinoy Big Brother house. Naglabas narin ng kanyang sariling Youtube channel bilang isang Vlogger si Maymay na kinatuwa ng kanyang mga fans.

View this post on Instagram

愛を込めて 👫

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

At nito lamang linggo umabot na sa 4 na milyong followers ang kanyang Instagram account, abot-abot ang kanyang pasasalamat sa mga fans kaya naman isang video ang kanyang regalo sa kanyang mga followers at taga hanga sa Instagram. Makikita na sya ay nakasuto ng isang dilaw na gown at buong kompyansa syang naglakad at rumampa. Narito ang kanyang video para sa buong detalye.

Nagpasalamat sya at sianbing, “HAPPY 4M Insta Familyy!! Glory to God 🙌🏻🙏🏻❤️” Umani naman ito ng papuri at reaksyon hindi lang sa kanyang mga fans o Instagram followers kundi pati narin sa mga kilalang tao sa showbiz. Nariyan sina Melai Cantiveros, Kakai Bautista, Antoinette Taus at syempre ang kanyang on screen partner na si Edward Barber.

Hindi rin nagpahuli ang mga beauty queens gaya nila Binibining Nicole Cordoves ang nanalo ng 1st Runner-Up sa Miss Grand International na ginanap sa Las Vegas, Megan Young bilang Miss World 2013 na ginanap sa Bali Indonesia, Mutya Johanna Datul ang Binibining Supranational 2013 at Pia Wurtzbach Miss Universe 2015. Lahat sila ay nagpahayag ng kanilang paghanga kay Maymay, “So ano na papangalan natin sa walk na to? 😍” komento ni Nicole Cordoves, “Queen passing through!!!” sabi naman ni Pia Wurtzbach.

Isang tagumpay nanaman para kay Maymay Entrata ang pangyayaring ito, abangan pa natin ang mga kapana-panabik na balita at mga proyekto ni Maymay Entrata!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top