Now Reading
Bella Hadid at The Weeknd, Hiwalay na “Ulit”?

Bella Hadid at The Weeknd, Hiwalay na “Ulit”?

Ang sikat na Victoria’s Secret Model na si Bella Hadid at The Weeknd o Abel Tesfaye ay muling naghiwalay sa pangalawang pagkakataon. Para sa Bella at Abel shippers, muli natin balikan kung paano nagsimula ang dalawa. Si Bella Hadid at The Weeknd, Abel ay unang nagkakilala noong taong 2015 sa music festival na Coachella at napabalitang naghiwalay noong 2016. Nakipag-date umano si Abel kay Selena Gomez at naghiwalay rin noong Oktubre 2017. At noong May 2018, nagkabalikan sina Bella Hadid at The Weeknd. Mas naniwala ang lahat sa balita nang sila ay makita ng magkasama at sweet na sweet sa Cannes. Naging masaya sina Bella at Abel sa kanilang pagsasama mula noon, madalas silang magkasama tuwing Holidays at may mga pagkakataong ipinagdiriwang nila ng magakasama ang mga espesyal na okasyon.

View this post on Instagram

HAPPY BIRTHDAY BABY🖤🖤🖤🖤🖤🖤

A post shared by 🦋 (@bellahadid) on

Kaya naman ngayong taon, ikinagulat ng mga tagahanga ng dalawa lalong-lalo na ang Bella at The Weeknd shippers and balitang hiwalay na umano ang magkasintahan sa pangalawang pagkakataon pagkatapos ng matagal na panahon ng pagsasama. Iniulat ng E! News na ang dahilan ng paghihiwalay ni Bella Hadid at The Weeknd ay ang kanilang pagiging malayo sa isa’t-isa, pagkawala ng oras, at ang mga di mabilang na di pagkakaintindihan.

View this post on Instagram

Home

A post shared by 🦋 (@bellahadid) on

Isa na magpapatunay dito ang pinaghahandaan ni Bella Hadid na kasalukuyan nasa Paris para sa Victoria’s Secret at si Abel na sobrang busy sa kanyang music at ang kanyang debut sa pag-arte. Madalas na rin umano magkaroon ng di pagkakaintindihan ang dalawa dahil sa layo at hindi nila madalas na pagsama. Mas pino-pokus umano ni Bella at Abel ang kanilang mga buhay sa kanilang career. Ikinalungkot ito ng mga tagahanga ng dalawa, ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa na magkakabalikan sina Bella at Abel. Kaya malungkot man ang balita, siguradong maayos din ni Bella at The Weeknd and kanilang relasyon.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top