Best 6 Outfits to Flaunt Your Curves na Hindi Mo Dapat Palampasin

| | ,

Ang isang perfect hourglass figure ay inaasam ng maraming kababaihan. Aminin na natin. Kahit anong uri o hubog ng katawan meron tayong mga babae, siguradong nais nating ipakita ang perfect curves na meron tayo. At sa henerasyon ngayon napakarami nang paraan upang i-flaunt ang curves ng iyong katawan na hindi lamang sa paraan ng pagsusuot ng swimsuit. Paano? Narinig namin ang inyong mga hiling at aming ihahatid sa inyo ngayon ang mga perfect outfit na maari mong isuot upang magkaroon ng perfect hourglass figure at mai-flaunt ang iyong perfect curves.

Wrap Dress

Isa sa mga paraan upang ipakita ang iyong curves ay ang pagsusuot ng wrap dresses, ideal ito dahil sa pagbibigay diin sa iyong bewang na makakapaglabas ng iyong body curves. Maari ring pumili ng wrap dress na V neck at may slit para sa kumpletong perfect curve outfit.

Crop Top

Isa ang crop top sa mga kasuotan na nakakapagpakita ng ating tiyan, kaya’t sa mga kababaihan na may abs o wala, angkop ito na outfit upang maipamalas ang iyong curves. At dahil sa iba’t ibang disenyo at style na meron ang crop top, napakaraming paraan upang isuot at ipareho ito sa iba’t-ibang outfit.

Bodycon Dress

Isa sa mga trending na outfit sa ngayon ay ang bodycon dress na nagbibigay ng mas malinaw na hubog sa iyong curves. Maari rin itong maging casual, street o formal outfit.

View this post on Instagram

Chanteuse 🦋🐬💎

A post shared by Michelle Rose 🌹 (@michellerose_music) on

Two-piece Set o Coords

Dahil ang mga two-piece set o coords ay may parehong design o pattern ng outfit, maaring pumili ng style na aangkop upang mapakita ang curves ng iyong katawan kagaya ng ating mga inspo sa larawan.

Pencil Skirt

Dahil sa angking style ng pencil skirt, mas nahuhulma nito ang curves ng iyong katawan kaya’t mas nabibigyang diin ang iyong bewang at pababang parte ng iyong katawan. Mainam din na magsuot ng skirt na may geometric lines o pattern upang makadagdag ng illusion sa curves ng iyong katawan.

Belted Outfit

At siyempre, hindi mawawala ang classic na belted outfits sa listahang ito. Isa sa mga paraan upang magkaroon ng shape ang ating outfit (particular sa ating bewang) ay ang paglalagay o pagsusuot ng belt. Pinapaliit ng belt ang iyong bewang na mas nakakapagbigay ng glasshour shape at sexy curves na talaga namang agaw pansin sa iba! Maari itong subukan sa mga sweater dresses, palda, mga maxi dress, at iba pa.

Napakaraming paraan upang maipakita natin ang ating body curves, tandaan na maging masaya, mahalin, at maging confident lamang sa iyong sarili.

Previous

How to Be Gorgeously Awesome sa mga Extra Outfit na Ito!

Jasmine Curtis-Smith Bibida sa “Descendants of The Sun” Filipino Remake

Next