Best White Ink Tattoo na Kailangan mong Subukan

| | ,

Nais mo bang magkaroon ng tattoo — kulay puting tattoo? Tama ang iyong nababasa puting tattoo, bukod sa nakasayanan nating itim na tattoo nadiskubre narin ang pagkakaroon ng ganitong klaseng tattoo. Nagsimula ang pagta-tattoo noon pang Neolithic period sa mga mummified na balat na nagsimula sa kontinenteng Europa. Ang proseso ng paglalagay ng tattoo ay pag-uukit o pagkukulay sa balat gamit ang matulis na bagay o karayom. Ito ay isang paraan upang ipahayag ang art sa katawan ng tao. Nagiging simbolo rin ng iba’t-ibang etnikong grupo ang tattoo na isang tradisyon. At sa ating modernong panahon, napakarami pa ring nagpapalagay at sumusubok ng tattoo sa iba’t-ibang dahilan. Isa sa mga pagbabago sa industriya ng paglalagay ng tattoo ay ang paggamit ng iba’t-ibang kulay bukod sa itim. Isa na dito ang puting tattoo at magbibigay kami ng mga ideya at impormasyon tungkol sa nauusong puting tattoo.

Halos walang pinagkaiba ang paglalagay ng itim na tattoo sa puting tinta na tattoo at bago ka magpalagay nito kailangan mo munang isipin ang gusto mong disenyo na nais mong itatak sa iyo. Naging uso lalo na sa ating mga kababaihan ang puting tattoo dahil sa bukod sa bago ito, mas hindi kita ito sa balat. Hindi kagaya ng sa itim na tattoo. Madalas ay maliliit na disenyo ang pinipili sa putting tattoo dahil sa aesthetic at misteryosong pahayag nito, kagaya ng nasa larawan.

Source: Pinterest

Ang paggamit ng puting tinta na tattoo kung inyong mapapansin ay hindi masyadong halata. Kung pagmamasadan ng mabuti ay maaaninag mo lamang ang disenyo at mas makikita mo ito sa malapitan kagaya ng nasa larawan. Ang paglabas ng kulay ng puting tattoo ay nakadepende rin sa kulay ng ating balat, kung mayroon kang mas maitim, morena, o kayumangging balat ay mas kita ito kaysa sa pagkakaroon ng maputing balat.

Nakadepende sa iyo kung saan mo nais magpalagay ng putting tattoo. Madalas ay sa kamay, braso, o sa mga tagong parte ng katawan. Ilan sa mga disenyong pwede nyong pagpilian ay nasa mga larawan

Madalas ng mga disenyo ng putting tattoo ay minimalist, mga maliliit na disenyo at mga pahayag o maiikling salita lamang, tignan ang mga ideya sa mga larawan.

Source: Pinterest
Source: Pinterest

Kaya’t kung gusto mo ng neutral at minimalist na disenyo ng tattoo subukan ang puting tattoo para ma-achieve mo na ang isa sa iyong mga bucket list!

Previous

How to Upgrade Your Look Using Ugly Shirts and Sweaters

Dani Barretto at Xavi Panlilio: Masayang Inanunsyo ang Nalalapit na Pagdating ng Kanilang Anak

Next