Now Reading
Bohol, Boracay, Palawan, at Cebu – Silipin ang mga Naggagandahang Lugar na ito para sa iyong Susunod na Bakasyon!

Bohol, Boracay, Palawan, at Cebu – Silipin ang mga Naggagandahang Lugar na ito para sa iyong Susunod na Bakasyon!

Ang Pilipinas ay isa sa pinakasikat na bansa sa buong mundo dahil sa natural na kagandahan ng mga isla na taglay nito. Ang kabuuang bilang ng mga isla sa Pilipinas ay 7,107 at lahat ng ito ay di lamang maganda kundi mayaman rin sa lamang dagat. Alam niyo ba na ang Pilipinas ay ikalimang bansa sa mundo na pinakamayaman sa uri ng iba’t ibang halaman at hayop? Sa katunayan, may tinatayang pitongdaang uri ng hayop na nanganganib o “endangered species” sa Pilipinas noong taong 2015 at siguradong lalaki pa ang bilang na ito habang tumatagal.

Halos araw araw ay makakakita ka ng post sa Facebook o Instagram na tungkol sa mga kaakit-akit na lugar sa palibot ng Pilipinas gaya ng Bohol, Boracay, Palawan, Siargao, Cebu, Bicol, at iba pa. Ang paglalakbay sa mga naggagandahang lugar na ito ay nakakabuti sa atin dahil tinutulungan tayo nitong dumiskonekta sa pang-araw araw nating karaniwang gawain gaya ng eskwela at trabaho. Bukod rito, marami rin tayong matututunan gaya ng klase ng pagkain, wika, pamumuhay, at kultura ng iba’t ibang tao. Talaga namang sulit ang puhunan sa pag-“travel” dahil sa walang katumbas na halaga na ibinabalik nito sa atin.

Dito sa SHY Philippines, ilalahad namin ang ilang mga lugar na karapat-dapat dayuhin dahil sa taglay na ganda ng mga ito. Narito ang aming mga napiling lugar na sadyang world class dahil sa walang kupas na kabigha-bighaning kagandahan ng mga ito.

Panglao Island, Bohol

Ang Panglao island ay nasa timog ng Bohol at silangan ng Cebu. Ang islang ito ay kilala bilang isa sa pinakasikat na destinasyon sa Pilipinas dahil sa mga “dive spots” at maliliit na islets dito. Nakilala rin ang Bohol dahil dito lamang matatagpuan ang ikalawang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo: ang Tarsier. Bukod sa yamang dagat, malapit lang sa Panglao island ang Chocolate Hills, kung saan 1,260 na mga burol ang masisilayan. Kung nais ng kaunting “adventure”, maaari ka rin mag paddle board sa Loboc River

View this post on Instagram

P A R A D I S E 🌴🌊 #philippines #vacationgoals

A post shared by Maggy van Rees (@maggyvanrees) on

Boracay Island, Aklan

Ang Boracay ang pinakamagandang island sa buong mundo ayon sa isang kilalang travel

View this post on Instagram

Vaca mood ✅ #countdown #throwback

A post shared by Helena Heuser (@helenaheuser) on

Talagang walang makakapantay sa pagkapino at puti ng buhangin dito. Ang bughaw na kulay ng dagat rito ay talagang nakakapagbigay aliw sa sinumang bakasyunistang bumisita rito. Tinatayang ilang minuto lamang ang Boracay mula sa Maynila kung lulan ng eroplano kaya naman hindi to mahirap puntahan. Pagkatapos ng ilang buwan na rehabilitasyon ng Boracay sa ilalim ng gobyerno, ang isla ay mas lalong maganda sa kasalukuyan at walang larawan ang makakapagbigay hustisya sa ganda ng paglubog ng araw dito.

Coron, Palawan

Ang Isla ng Coron sa Palawan ay kilala sa mga lumubog na barko ng mga hapon noong ikalawang giyerang pandaigdig. Taglay rin nito ang libo-libong rock formations at kamangha-manghang coral gardens. Kadalasang kalmado ang dagat ng Coron kaya madaling masilayan ang ilalim ng dagat hanggang sa lalim na 80 feet mula sa ibabaw – tamang tama para sa pag-snorkeling!

View this post on Instagram

💛💛💛

A post shared by Juliet Rosa Bennis💎 (@juliet.bennis) on

Sa katunayan, kabilang ang Coron sa Top 10 na pinakamagandang scuba diving sites ng Forbes Traveler Magazine. Ilan sa mga lugar na dapat makita sa Coron ay ang Kayangan Lake, Barracuda Lake, Twin Lagoon, at Siete Pecados.

Mactan, Cebu

Ang Cebu ay isang modernong siyudad sa tabing-dagat. Ito ay halos dalawang oras lamang mula sa Maynila at kilala ito bilang ikalawang pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas. Ang isla ng Mactan ay mayaman sa kasaysayan na nagsimula noong taong 1521 noong dinala ni Ferdinand Magellan ang Katolisismo sa Pilipinas. Ilang masasarap na pagkain din ang maaaring tikman sa Cebu – gaya ng lechon at sinugba.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top