Now Reading
“Chillin”- Si Bea Alonzo sa gitna ng pinagdadaanang kontrobersya

“Chillin”- Si Bea Alonzo sa gitna ng pinagdadaanang kontrobersya

Mahigit isang buwan na nang magsimulang pumutok ang balita ng hiwalayan ni Bea Alonzo at Gerald Anderson kasama na ang pagdawit sa pangalan ni Julia Barretto na tinuring nga mga netizens na third party sa hiwalayan ni Bea at Gerald. Maging ang mga kaibigan gaya ni Bea Padilla, Angel Locsin at Paulo Avelino ay nadawit narin sa isyung kinasasangkutan ng tatlo. At syempre ang pinaka apektado sa gulong ito ay ang kanilang mga pamilya, unang nagtanggol kay Julia Barretto ang kanyang ate na si Dani Barretto at ang kanyang ina na si Marjorie Barretto, sila madalas ang sumasagot sa mga bashers ni Julia sa kanyang Instagram o Twitter posts at kamakailan ay hindi narin napigilan ng ina ni Gerald Anderson na si Vangie Opisma ang kanyang sarili na maglabs ng kanyang saloobin tungkol sa isyung kinakaharap ng kanyang anak.

View this post on Instagram

BETWEEN MAYBES. May 15th.

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

 Mabibigat din na akusasyon ang kanyang sinabi para kay Bea Alonzo na dating girlfriend ni Gerald, sinabi nyang nililiit nya ang kanyang anak at nagsasabi umano si Bea ati ang kanyang makeup artist ng mga masasamang komento tungkol sa kanyang anak. Nasaktan umano si Mommy Vangie nang humarap sa media si Bea at nagsalita tungkol sa hiwalayan nil ani Gerald.

Ngunit sa kabila ng lahat ngakusaysyon, bintang at mga salitang pinupukol kay Bea ay nanatili itong tahimik. Mula ng huling interview sa kanya kung saan sinabi nyang hindi na lamang sya biglang kinausap ni Gerald ay wala nang narinig sa aktres. Bagkus ay nanatili syang “chill”. Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram account kung saan pinapakita nya na siya ay abala sa shooting kasama si Richard Gutierrez at Angelica Panganiban.

Madalas din syang magbahai sa kanyang Instagram stories ng mga litrato na may nakalagay na “And then God stepped in.” at nilagyan nya ito ng dagdag na salita sa ibaba “Lord, I lift up everything to you.”

Iba-iba ang tao ng paraan kung paano lutasin nag pinagdadaanang problema sa buhay ang magagawa na lamamng natin sa ngayon ay maghintay kung kalian nila ito malalampasan at maging masaya muli ang buhay nila Bea, Gerald at Julia.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top