#ChiupportiveBoyfriend award goes to Xian Lim (Babala bawal mainggit)

| | ,

Dinaluhan ang All-Star Games 2019 ng mga artista sa network ng ABS-CBN upang maglaro at ang iba naman ay upang ipakita ang kanilang suporta sa kanilang mga kaibigan at katrabaho sa industriya at syempre ng napakaraming fans at supporters.

Nagdiwang ang buong Red Team na kinabibilangan ni Kim Chiu sa kanilang laro ng volleyball na naganap sa All-Star Games 2019 sa Araneta Coliseum nitong Linggo. Natalo nila ang Blue Team na kung saan pinangunahan naman nito ni Julia Barretto at ang mga kasamahan nya na sina Carly Hernandez, Arabella del Rosario, Ella San Andres, Aiyanna Waggoner, Ashley Colet, Pamu Pamorada, Katherine Gallo, Loisa Andalio and Gretchen Ho, sa iskor na 23-21. Kasama sa panalong Red Team sina Eya Laure, Dalia Varde, Gillian Vicencio, Yasmyne Suarez, Chienna Filomeno, Vivoree Esclito, Analain Lim, Nikki Valdez at Jia Morado.

Bukod sa mga supporters, fans at mga kaibigan at pamilya sa industriya isa sa nakapukas pansin sa mga manunuod at mga netizens and matagal nang boyfriend ni Kim na si Xian Lim, na todo suporta sa kanyang girlfriend. Nakaupo si Xian sa front seat upang makitang mabuti at masuportahan ang nobya at nang manalo ang Red Team napapalakpak siya sa tuwa. Pagkatapos magtatalon ni Kim at magdiwang kasama ang kanyang team, lumapit sya sa kinaroroonan ni Xian.

Kuhang-kuha ng mga manunuod ang sweet moments ng dalawa, tumalon si Kim at niyakap niya si Xian sa tuwa, gumanti naman ng halik si Xian sa pisngi ni Kim.

Kilig na kilig ang mga KimXi, ang tawag sa  loveteam ng dalawa, pati narin lahat ng mga nakakita at nakasaksi ng pangyayari. Umani ng iba`t-ibang papuri at komento ng kasiyahan at kilig ang pagdiriwang ng kasiyahan nila Kim at Xian. Narito ang ilang mga video para sa buong pangyayari na siguradong magpapakilig sa iyo.

https://www.instagram.com/p/B1oGNy1lkIT/
View this post on Instagram

That happy faces 😍 @xianlimm @chinitaprincess

A post shared by (@kimxiforever_) on

Hindi rin nalimutan ni Kim na pasalamatan si Xian na kayang ibinahagi sa kanyang Instagram story. Congratulations sa Team Red at para kay Kim, sana all may Xian at supportive bf!

Previous

AxA: Isang Clothing Line ang inilabas ni Alden Richards

No Make-Up Look At Fresh Skin? Skin Tint Lang Yan!

Next