Now Reading
Cole Sprouse at Lili Reinhart — Totoo Kayang Hiwalay Na?

Cole Sprouse at Lili Reinhart — Totoo Kayang Hiwalay Na?

Isang nakakaintrigang balita ang kumalat at nakakuha ng atensyon lalo na para sa mga Riverdale fans. Ang mga bida ng Riverdale na sina Jughead at Betty na ginampanan nina Cole Sprouse at Lili Reinhart sa totoong buhay ay nabalitang hiwalay na. Halos dalawang taon din na magkasintahan ang dalawa bago ang nabalitaang hiwalayan. Ayon sa isang source ang relasyon umano ni Cole at Lili ay dumaan sa pagsubok na normal na nararanasan ng ibang magkarelasyon at isang argumento umano ang kailang pinag-awayan sa set habang sila ay nagpapahinga na kung saan ay nagdesisyon si Cole Sprouse na tuluyang itigil ang kanilang relasyon. At kung ano ang kanilang pinag-awayan, ay wala pang pahayag ang dalawa.

Ngunit kamakailan, isang post sa Instagram ang ibinahagi ni Lili Reinhart na may nakasaad na “BREAKING: A reliable source has confirmed that none of you know sh**.”

At sa parehong larawan, isang post din ang ibinahagi ni Cole Sprouse sa kanyang Instagram account na may caption na, “UNPRECEDENTED: Cole Sprouse and Lili Reinhart consume the flesh of ‘reliable sources’ to fuel their bacchanalian sex cult.”

Ang mga tagahanga ng dalawa ay naguluhan sa totoong estado ng kanilang relasyon. Marami ang nagsasabi na huwag paniwalaan ang mga balita tungkol sa kanilang dalawa dahil pagkatapos umano ng balitang hiwalayan ay madalas pang nakita sina Cole Sprouse at Lili Reinhart na magkasama.

Isang post ni Lili Reinhart din sa Twitter ang pinag usapan ng lahat na ang caption ay, “Don’t believe everything you read on the internet, kids. And news sources should try a little harder to be less vile. “Reliable sources” can kiss my a**.”

Sa lahat ng balita at mga cryptic Instagram post na ito, isa lang ang aming masasabi dito sa SHY, maging kami ay naguguluhan! Kaya malamang, kayo rin. Kaya, kayo? Ano ang inyong opinyon ukol dito? Nais naming marinig ang iyong opinyon mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top