Dahil Hindi Lahat ng Babae ay Mahilig sa Pink, Subukan ang Ilang Tomboy Style Outfits na Ito

| | ,

Hindi lahat ng babae ay mahilig sa palda, blouse, bistida, makikinang na pantaas, at matataas na heels. Sa katunayan nga, kahit iyong mga babaeng mahilig sa ganitong damit ay paminsan-minsa’y nagnanais rin magsuot ng rubber shoes at maluluwag na pantalon dahil sa kaginhawaan na dulot nito sa paggalaw.

Kung pag-uusapan ang mga usong istilo sa pagdadamit noon at ngayon, hindi magpapahuli ang mga kasuotan na may pagka-tomboy o boyish. Ang mga sikat na modelo at ilang artista sa iba’t-ibang bansa ay kilala sa pagsuot nito at mula noon ay hindi na ito nawala sa uso. Sa wikang Ingles, ang tomboy style ay kilala sa pangalang “androgenous style”. Ito ay para sa mga babaeng hindi mahilig sa mga damit na pink na mala-prinsesa. Ang istilo ng pananamit na ito ay nilikha para makabuo ng panlalaking anyo na tamang tama sa mga araw na hindi mo feel mag-bestida.

Ang tomboy style ay karaniwang ginagamit sa kaswal na pagdadamit. Kabilang dito ang t-shirt, maong na pantalon, jacket, sombrero, at rubber shoes. Hindi ito mahilig sa maraming kwintas, hikaw, bracelet, at iba pang mga borloloy. Sa madaling salita – simple at hindi ito komplikado. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi mo na maaaring ipares sa tomboy style ang iyong mga pambabaeng damit gaya ng cropped top at skinny jeans. Pwedeng pwedeng pagsamahin ang ilan sa iyong mga pambabaeng damit sa istilo na ito.

Tunghayan ang ilang tomboy style outfits na ipapakita namin sa inyo upang makakuha ng ideya para sa inyong susunod na OOTD o “outfit of the day”.

Hoody

Puting t-shirt, checkered na polo, jacket na may hood at punit-punit na pantalon o ripped jeans – ito na marahil ang pinaka komportableng kasuotan na maaari mong gamitin sa pang-araw araw na pagpasok sa paaralan o di kaya’y sa mga kaswal na lugar na iyong pupuntahan. Pwedeng pwede itong samahan ng sombrero gaya nito. At syempre, huwag kalimutan isuot ang shades para mas lalong astig tignan. Maaari mo ring ipatong ang leather jacket sa ibabaw ng iyong hoody at itali ang ulo gamit ang bandana.

Boxy jacket

Source: Glam Radar

Ang boxy jacket ay isang uri ng jacket na magbibigay ng istruktura sa iyong upper body sa iba’t ibang anggulo. Dahil karaniwang malaki at maluwag, iterno ito sa skinny jeans o leggings para balanse ang kasuotan. Maaari ka rin magsuot ng backpack o di kaya’y isang maliit na sling bag kagaya ng nasa larawan para may mapaglagyan ng mga importanteng gamit gaya ng cellphone at wallet.

T-shirt at maong na pantalon

Source: ThisInnaGirl

Ito ang pinakamadaling buuin na tomboy style outfit sa lahat – basic na t-shirt kasabay ng maong na pantalon at rubber shoes. Bukod sa simple at komportable, hindi komplikado ang kasuotan na ito at siguradong cool ang dating.

Plaid

Source: World of Female

Maaari mo rin ipatong ang iyong plaid o checkered na longsleeves sa ibabaw ng iyong t-shirt para magsilbing mala-jacket o blazer. Ipares ito sa sombrero gaya ng bonnet o wide-brim hat para sa mala-cowboy na dating.

Previous

Beauty for All Types of Skin and the Best Skin Care Products to Use

Ang Dyosa sa Apat Nyang Kasuotan

Next