Now Reading
Dump Him Fashion — Para sa mga Umibig, Nasaktan at Lumaban

Dump Him Fashion — Para sa mga Umibig, Nasaktan at Lumaban

Broken hearted, moving on, getting better — ilan lamang iyan sa mga madalas na pinagdadaanan ng mga babae maging mga kalalakihan pagdating sa usapang lovelife o puso. At alam nyo bang may isang tao na ginawang inspirasyon ang pagiging “sawi” sa pag-ibig upang makagawa ng design sa damit, bag, at kung anu-ano pang kagamitan. Siya si Florence Given at siya ang utak sa nauuso ngayon sa fashion na “Dump Him”. At narito kami sa SHY upang bigyan kayo ng ideya sa Dump Him fashion trend, kung paano ito nagsimula at ang mga produktong kaakibat nito.

Si Florence Given ay isang artist na nagwagi Cosmopolitan U.K.’s 2019 Influencer of the Year Award. Mahilig siyang gumawa ng mga artwork niya na may mga kasabihan gaya ng, “Women don’t owe you pretty” at “Looking good for my goddamn self,” na nakaimprenta sa mga tote bag, posters, at t-shirts. Isa sa kanyang pinakabago at pinakasikat na design ay ang may kasabihan na “It’s a wonderful day to dump him.” Dito nagsimula ang “dump him” fashion. Ayon kay Florence, si Britney Spears ang kanyang naging inspirasyon. Isang crop top ang sinuot ni Britney Spears habang naglalakad dati na may nakalagay ng “Dump Him” pagkatapos nilang mag hiwalay ni Justin Timberlake. Kaya’t nang siya (Florence) mismo ang nakaranas nito, naging daan ito upang ipahayag ang kanyang nararamdaman.

View this post on Instagram

On-the-go Britney energy

A post shared by FLOSS (@florencegiven) on

Sinabi niyang ang “dump him” slogan ay isang makahulugan na mga salita lalo na para sa mga babae na may karelasyong hindi alam panindigan ang mga desisyon sa buhay at nagtatago sa palada ng kanilang mga nanay at sa mga kababaihan na nakararanas ng matinding stress, lungkot, at pagod dahil sa lalaki, ito na ang pagkakataon na matutong tumayo at manindigan sa mga bagay na hindi dapat nila nararanasan bilang isang babae.

Dahil sa pananaw ni Florence Given tungkol dito, agad na sumikat at nag-trending ang “dump him” fashion. Maraming kababihan ang tumangkilik at naka-relate sa kwento ng slogan na ito at iisa ang kanilang mga saloobin: maging isang #STRONGINDEPENDENTWOMAN at para sa fashion ideas ng “dump him”, narito ang ilang larawan mga ka-SHY!

See Also

View this post on Instagram

AVAILABLE NOW ON MY STORE

A post shared by FLOSS (@florencegiven) on

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top