Now Reading
Ed Sheeran: Pinakasalan ang Kababata Kahit Sikat na Sikat na Siya sa Buong Mundo

Ed Sheeran: Pinakasalan ang Kababata Kahit Sikat na Sikat na Siya sa Buong Mundo

Source: Google

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa sikat na kanta na “Thinking Out Loud?” Sa sobrang dalas ng pagtugtog nito sa radyo ay halos maituturing na itong pambansang “love song” sa loob ng ilang taon mula 2014. Ang kumanta nito ay siya ring nagpasikat ng mga awiting “Lego House”, “Shape of You”, at “Perfect”. Ito ay walang iba kundi ang dalawampu’t walong taong gulang na manganganta, manunulat, gitarista, record producer, at aktor na si Ed Sheeran.

Source: Google

Tubong England ang batang singer na kilalang kilala sa buong mundo dahil sa mga awitin nitong hindi lamang maganda sa pandinig kundi pati na rin sa pakiramdam. Noong taong 2011, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang album na tinawag niyang “Plus”. Ito ay walong beses na naging “platinum record” sa bansang United Kingdom at panlima sa pinakasikat na kanta sa bansang Amerika. Sumunod niyang album ay ang “Multiply” noong taong 2014, na naglalaman ng samu’t saring matatamis na awitin tulad ng “Thinking Out Loud”, “One”, at “Tenerife Sea”. Hindi ito nagpahuli sa una niyang album dahil pinarangalan ito bilang “2nd Best Selling Album” sa buong mundo pagkatapos ng isang taon. Ang album na ito ay siya ring nakasungkit ng parangal na “Album of the Year” sa Brit Awards noong taong iyon habang ang kantang “Thinking Out Loud” naman ay pinarangalan ng Grammy Awards bilang “Song of the Year” at “Best Pop Solo Performance” noong taong 2016.

Source: Google

Nagsimula ang hilig ni Ed sa pagkanta sa murang edad na apat nang lumahok siya sa choir ng kanilang simbahan kung saan natuto siyang tumugtog ng gitara. Noong taong 2018, pinakasalan niya si Cherry Seaborn, ang kaklase niya noong highschool. Ayon kay Ed, si Cherry ang nagsilbing inspirasyon sa kanyang karera at higit sa lahat, sa sikat na kantang “Perfect”. Kapansin-pansin na ang mga kataga sa kantang ito ay makabagbag damdamin dahil in love na in love si Ed sa kay Cherry noong mga panahong isinulat niya ang kantang ito. Ang storya ng pag-ibig nilang dalawa ay patunay na hindi lahat ng sikat ay lumalaki ang ulo at hindi kailanman mabibili ng pera ang wagas na pag-ibig.

Source: Google

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top