Now Reading
Flaunt Your Curves Sa mga Perfect Jeans Na Ito

Flaunt Your Curves Sa mga Perfect Jeans Na Ito

Kung tatanungin tayong mga kababaihan sa madalas nating isuot marahil isa ang jeans sa aani ng pinaka maraming sagot. Jeans? Tama ang mga jeans, dahil bukod sa ito ay napakatibay, ang jeans ang isa sa mga pinaka versatile na uri ng garment na maaring maisuot sa kahit anung araw o okasyon. At nagkakaiba iba ang paraan sa pagpili ng tamang susuotin na jeans at naka depende ito sa uri ng katawan o body type. Nariyan ang slim at curvy type at ang pagtutuunan natin ng pansin ngayon ay ang mga kababaihan na mayroong curvy body shape at type. Nais nating ipakita ang ating natatanging curve ngunit madalas ay hindi tayo nakakapili ng angkop na jeans na kung saan ay komportable, may tamang haba at hapit sa balakang at hita at hindi masyadong takaw pansin lalo na sa mga curvy body type. At ramdam naming kayo mga ka-SHY, mahirap talagang pumili ng jeans na may perfect fit, hindi hassle at pasok sa style at comfortability. At para matulungan kayo sa problemang ito, kami dito sa SHY ay naghanap ng iba’t ibang uri ng jeans na angkop para sa mga curvy body types na sasagot sa inyong problema sa perfect jeans, kaya’t heto na ang jeans for the curvy body type.

Skinny Jeans

Hindi mawawala ang skinny jeans sa ating listahan, bukod sa ito ay hindi nawawala sa uso ang skinny jeans ang perfect jeans na makakapaglabas ng hubog ng iyong curves at magpapakita ng iyong hourglass body. Napakarami nang uri ng skinny jeans, at ang pinaka angkop sa curvy body type ay ang mid at high rise na disenyo.

Boyfriend Jeans

Comfort-yan ang isa sa mga hatid ng boyfriend jeans. Nauuso ang uri ng jeans na ito dahil sa straight cut nito. Sa iyong curvy shape na katawan angkop ito dahil sa fit nitong bewang at maluwag na style at disenyo sa hita kung saan ay mas makakagalaw ng maayos na hindi naisasangtabi ang up to date style!

Boot cut Flare Jeans

Ultimate throwback look ang hatid ng jeans na ito, kung saan hapit ito sa bewang hanggang hita at may style na maluwag sa bandang heels. Isang disenyong angkop para i-flaunt ang iyong curves lalong-lalo na sa balakang at bewang.

High waist ripped jeans

Para naman sa street at chic style inspired look, isang high waist ripped jeans ang para sa iyo. Dahil sa high waist ito mas na e-emphasize nito ang curves ng iyong bewang at balakang na magbibigay ng perfect silhouette sa iyong curvy shape.

Wedgie Fit Jeans

Sa skinny leg at high waist na disenyo nito mas maipapakita ang curves ng iyong katawan. Hindi mo mararanasan ang major waist gap sa uri ng jeans na ito, stretchable at breathable pa ang uri ng jeans na ito kaya`t sobrang komprtable kapag ito ay isinuot.

At ayan na nga mga ka-SHY, ang mga uri ng jeans na perfect para sa iyong curvy body type. At sana ay nakatulong kami na mahanap mo ang iyong perfect jeans para ma i-flaunt ang iyong perfect curves, hanggang sa susunod na fashion tips mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top