Now Reading
Gerald Anderson at Chie Filomeno muntik magbanggaan sa isang car racing event

Gerald Anderson at Chie Filomeno muntik magbanggaan sa isang car racing event

Ang ating mga paboritong artista ay may mga tinatawag na “hobby” at kapag hindi sila abala sa buhay artista ay ito ang kanilang ginagawa, ang ilan ay sa pagluluto, pagta-travel at sports. Isa sa mga sports na kinahihiligan ng ating mga paboritong artista ay ang car racing at kamakailan ay ginanap ang Vios Racing Festival na ginanap sa Clark International Speedway (CIS) sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, nitong August 31, Sabado.

At sa event na ito makikitang masayang sinalihan nito ni Gerald Anderson, Kapamilya actor, at Chie Filomeno ng isang modelo at miyembro ng Girl Trends na mapapanuod sa showtime at iba pang artista gaya nila Troy Montero, Aubrey Miles, Daniel Matsunaga at iba pa. Dahil sa extreme sports na ito hindi nakaligtas ang dalawang Kapamilya stars sa aksidente. Huwag kayong magalala mga ka-SHY hindi malubha at hindi nasaktan si Gerald at Chie sa nasabing aksidente. Ibinahagi ni Gerald Anderson sa kanyang Instagram ang nangyaring aksidente dahil sa umuulan at madulas ang daan. Ang sasakyan kung saan lulan si Gerald ay makikitang nangunguna sa karera at dahil sa walang tigil na ulan at madulas na daan nagpapaikot-ikot ito at huminto sa gitna ng race track, makikita naman na ang kotse ni Chie ay muntik nang mabangga sa kotse ni Gerald. Isang celebrity photographer naman na si Jun Sunga ang nagbahagi ng pangyayari at kanya itong ibinahagi sa Instagram story, “This was really crazy. Watching this will give you chills coz it was so close to a full speed head on collision. @andersongeraldjr car #4 spun out. And @chiefilomeno car #2 was just trailing behind on full speed. They were side by side for a few seconds. Can’t imagine what they were thinking seeing each other face to face for a few seconds. Parang action movie lang pero in life life. Wild!” paglalahad ni Jun.

Nakailag man si Chie sa kotse ni Gerald hindi naman nito napigilan ang bumangga. Ibinahagi ni Chie ang aksidente sa kanyang Instagram post, makikita na humaharurot ang kanyang sasakyan nawalan ito ng control at bumangga sa mga metal fence, wasak ang harap ng kotse ni Chie dahil sa pagkakabunggo nya. “RACE WEEKEND DONE!! Woke up and my body is in so much pain, but I’m beyond grateful that I am alive and no one else got hurt.” paglalahad ni Chie sa kanyang Instagram Linggo, Septyembre 1. Binanggit din ni Chie kung bakit gustong-gusto nya ang sports na ito, “No matter what happens I still find myself coming back to this sport, the adrenaline rush it gives me is out of this world, it’s so hard to explain why we keep doing it despite the danger, pero pag mahal mo,mahal mo eh.” Sinabi din nya na babawi sya sa susunod na race, “It felt like the world was against me the whole weekend but that won’t stop me from doing what I am passionate about, I just have to move on from it—hit the restart button. Smile lang! See you on November for the next leg! No pain no gain. Hehe ♥️”

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top