Now Reading
Glaiza de Castro Sa Kaniyang UK Journey

Glaiza de Castro Sa Kaniyang UK Journey

Marami sa ating mga artista ngayon ay pinapahalagahan pa rin ang edukasyon at marami ang pinagsasabay ang pagiging artista sa ating bansa at ang kanilang pag-aaral habag ang iba naman ay nais na tumigil pansamantala at mag-aral upang mas mag-focus sa kanilang piniling kurso. Isa sa mga natatanging aktres na nais madagdagan at lumawak ang kanyang kaalaman sa pagiging magaling na aktres, music singer, at composer ay si Glaiza de Castro.

Si Glaiza de Castro ay kasalukuyang na sa United Kingdom o UK para mag-aral ng music production at composition sa loob ng 3 buwan. Ipinahayag ng dalaga ang kanyang saloobin tungkol dito.

“Tinatanong nga nila ako na kung ano ang gagawin after ng London trip. Sabi ko naman, hindi naman mahirap, and I think this is a very personal and precious project to me, and parang sa akin… Hindi ko ma-describe. Kagabi bago ako matulog, yung utak ko, parang it’s all over the place. Yung feeling ko of excitement, feeling ko ng uncertainty, yung ‘Shocks, ano ang mangyayari sa akin dun?’” Pahayag ni Glaiza de Castro sa isang interview, hindi rin maikakaila sa kanyang mga sagot ang kanyang excitement at kaba sa kanyang desisyon na ito, maging ang kayang pamilya ay excited din para sakanya.

Hindi rin naman iiwan ni Glaiza de Castro ang kanyang buhay artista habang siya ay na sa UK, sinabi niya na may mga proyekto pa rin syang gagawin habang siya ay nag-aaral sa UK gaya ng pagmomodelo at ang kanyang pinapangarap na makagawa ng isang kanta.

See Also

“May guesting ako sa Primadonna, at nagkaipun-ipon lang yung projects ko. Of course, excited ako sa projects na magagawa ko hanggang dun ako kasi ako mismo ang gagawa nun. Ako mismo ang magki-create nun, ako mismo ang magsi-share nun sa mga tao. Siyempre, bilang mahilig din akong mag-travel, pero ang nilu-look forward ko talaga is to make music. Kasi, yun naman ang reason kung ba’t ako umalis, e,” sabi ni Glaiza de Castro sa isang interview. Nagsilbing inspirasyon ang kaniyang desisyon sa ibang kabataan at sa mga kapwa niya artista na suportado ang kanyang desisyon. Kaya’t lahat ay nag-aabang sa kahihinatnan ng kanyang pag-aaral at journey sa UK.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top