Gretchen Ho at Pasig Mayor Vico Sotto magkasamang nanuod sa SEA Games, nag de-date nga ba?

| | ,

Naging agaw-panisin ang magkasamang panunuod nina Gretchen Ho at Pasig Mayor Vico Sotto sa isang opening match ng women’s volleyball sa PhilSports Arena na kabilang 2019 Southeast Asian (SEA) Games nito lamang Martes, Desyembre 3.

Bukod sa magandang laro na inabangan ng mga manunuood ay di rin pinalampas ng mga ibang na sa lugar and pagkakataon na kuhanan ng litrato ang dalawa na buong atensyon ang panunuood sa laro. Kaagad naming kumalat ang mga kuhang litrato ng mga kasama nilang nanonood sa laro. Maging ang ABS-CBN Sports channel na syang nagko-cover ng laro ay nakuhanan sila.

Bilang sa parehong unibersidad nanggaling ang dalawa (Ateneo), at si Gretchen ay isa sa mga sports reporter ng ABS-CBN na dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles volleyball team mukhang marami silang napagusapan at nagpalitan ng mga saloobin at kumento sa laro. May mga larawan kung saan ay makikitang naguusap ang dalawa na parehong nakangiti.

Samu’t-saring reaksyon naman ang ipinahayag ng mga netizens ukol sa mga kumakalat na larawan sa social media. Maaalalang si Pasig Mayor Vico Sotto ay binata, hinahangaan ng lahat dahil angkin nitong talion, diskarte at ka-gwapuhan. Siya rin ay nagpahiwatig na siya ay bukas na tumaggap ng aplikasyon para maging kanyang kasintahan. Kaya naman ang ilan sa mga netizen ay natutuwa sa pagsasama ng dalawa. Agad na nag-trending si Gretchen at Mayor Vico sa Twitter, ilan sa mga nakakatuwang tweet ng mga netizens ay ito:

Makikita rin na katabi nila ang actor na si Richard Gomez at asawa nitong si Lucy Torres na syang representative ng ika-apat na distrito ng Leyte. Lalong kinilig ang mga netizen sa pag aakalang ito ay isang double date!

Walang pahayag o reaksyon sina Gretchen Ho at Pasig Mayor Vico Sotto sa nasabing mga larawan at rekasyon ng mga netizens, gayun pa man ay hindi mapigilan ng mga netizens na maging excited sa mga susunod na kabanata para sa dalawa. Kayo ano sa tingin nyo, nag de-date na ba ang dalawa? O magkaibigan lamang? Ibahagi ang inyong sagot sa comment section at huwag kalimutang i-share ang kwentong ito.

Previous

Has Bea Alonzo Finally Forgiven Ex-Boyfriend Gerald Anderson?

Angel Locsin hailed as one of the “Heroes of Philanthropy” by Forbes Asia

Next