Handa Ka Na Bang Magpa-tattoo? Narito Ang Mga Disenyo na Magbibigay Inspirasyon

| | ,

Ang tattoo ay isang likhang sining kung saan ilang pigments ang tinatatak sa balat upang magpalit ito ng kulay habangbuhay. Ang paraan ng pagta-tattoo ay iba iba sa paligid ng daigdig at maraming technique ang nilikha para makagawa nito. Itim, pula, asul o maging berde, tiyak na anumang kulay nito ay talaga namang kahanga-hangang pagmasdan at tignan. Ang tattoo ay isang matagal nang tradisyon na ngayo’y kilala na at tanggap sa ating lipunan. May ilan sa mga nakatatanda na madaling maghusga sa mga taong mayroon nito. Ngunit hindi nangangahulugan na hindi ka dapat magsuot nito lalo na kung may mahalagang ibig sabihin ito para sa iyo.

Sa panahong ito, uso ang paglalagay ng tattoo sa iba’t ibang parte ng katawan. Maaaring nakatago ito sa bandang likod o kita sa braso. Ngunit para sa mga kababaihan, ang maliliit na tattoo na sinlaki ng barya ang uso ngayon. Ito ay ginagamit na accessory na nagdadagdag ganda sa porma. Bukod sa sosyal at sexy ito tignan, may dalang malalim na ibig sabihin ang mga tattoo na ito at hindi ito karaniwang nagsasanhi ng paghuhusga lalo na sa mga nakatatanda dahil madali itong itago. Mula sa maliliit na hugis puso na nakatago sa iyong pulso, isang balahibo sa iyong bukong-bukong, maliit na bituwin sa likod ng tenga, sirena sa iyong pusod, o unang letra ng pangalan ng iyong minamahal sa bandang likod, ang mga maliliit na marking ito ay talagang nakakapagbigay ng pang-araw araw na inspirasyon at nagsisilbing mabuting paalala sa mga may suot nito.

Handa ka na bang maglagay ng tattoo? Bago ka magtatak ng markang ito, kumuha ng inspirasyon dito lamang sa SHY Philippines. Handog namin sa inyo ang pinakamagaganda na disenyo ng tatooo na siguradong magpapahanga sa sinumang makakita nito. Mapa-isa, dalawa o tatlo – siguradong hindi ito magiging masagwang tignan dahil sa liit ng mga ito. Narito ang ilan sa mga tattoo na maaari ninyong pagpilian!

Pulso

Source: POPSUGAR Australia

Madalas kong nakikita ang tattoo na ito sa mga kababaihan at sang-ayon ako na maganda ito hindi lamang sa itsura ngunit pati na rin sa ibig sabihin. Ito ay isang magandang paalala na ikaw ay binigyan ng Diyos ng buhay at dapat kang magpasalamat sa regalong ipinagkaloob sa iyo.

Maliit na puso

Source: Google

Gaano ka-cute ang pusong ito? Ang ganda diba? Ang dali rin nitong itago kung nais huwag ipakita sa iba. Swak na swak ito sa mga may espesyal na minamahal at isa itong paraan ng pagpapahiwatig ng wagas na pagmamahal sa sarili o sa iba na pang-habangbuhay.

Maliit na bundok

Source: Parryz

Ang maliliit na mga bundok na ito ay isang magandang paalala na lumabas at galugarin ang mundo upang maging masaya. Isa itong tandaan sa patuloy na pakikipagsapalaran sa buhay at anuman ang mangyari ay tuloy ang laban.

Maliit na krus

Source: Google

Ang ga-tuldok na tattoo na ito ay may napakalaking ibig sabihin: ang pananalig sa Diyos. Ito ay magandang marka na magpapaalala sa iyo na palagi mong kasama ang Diyos sa anumang pagsubok o hamon ng buhay at walang dahilan para hindi mo ito malampasan.

Maliit na dagat

Source: Google

Para sa mga mahilig sa beach, ang tattoo na ito ay para sa inyo. Bukod sa simple at maganda, ang disenyong ito ay isang paalala ng pagmamahal sa kalikasan lalong lalo na sa mga karagatan at dalampasigan.

Previous

Happy Pride Month: Adidas Features Keith Harring

Tignan ang mga Abot-Kayang Lip Balm na Nagkakahalaga ng P150 Pababa

Next