Now Reading
Handang-Handa Na Kami Sa Live-Action Mulan, Ngunit Nasaan Si Mushu?

Handang-Handa Na Kami Sa Live-Action Mulan, Ngunit Nasaan Si Mushu?

Tunay nga tayo pinabilib ng Disney sa mga live-action remake ng mga ilang kilala nilang pelikula katulad ng Beauty and the Beast, Aladdin, at ang The Lion King na ipapalabas sa ika-17 ng Hulyo dahil sa kwento, aral, at musicality nito na kinagigiliwan hindi lang ng mga bata, kung hindi pati na rin ng mga matatanda, lalong lalo na ang mga 90s babies kung saan umikot sa mga Disney films ang kanilang buhay bata.

Kaya naman nang ilabas ang opisyal at unang teaser trailer ng isa sa mga inaabangang live-action ng Disney, ang Mulan itong nakaraang linggo, nagalak at na-excite kami ngunit nang mapanuod namin, mayroon kaming napansin na maaring naitanong niyo sa iyong mga sarili: nasaan si Mushu?

View this post on Instagram

Disney’s #Mulan, in theaters March 27, 2020.

A post shared by Mulan (@mulan) on

Hindi mapigilan ng mga tagahanga ng Mulan na maglabas ng kanilang pagkadismaya at pagkalungkot ukol sa hindi pagpapakita ng munting dragon na si Mushu. Marami ang nagsabi na hindi magiging makatotohanan ang pagganap at pagkwento ng Mulan kung wala si Mushu habang diniin ng ilan na maaring hindi ito magustuhan ng mga bata kung walang Mushu at hindi musical na isa mga tatak ng Disney.

Sa paglabas ng teaser trailer, maaring nakatuon sa digmaan at kung paano ito malalampasan ng bida ang pelikula.

Ang Mulan ay unang ipinalabas noong taong 1998 base sa Chinese tale ni Hua Mulan na nagbihis at nag-ayos lalaki upang masagip ang kanyang ama mula sa digmaan. Si Mushu na binigyang boses ni Eddie Murphy noong 1998 ay ang sidekick ni Mulan na nagbibigay saya at nagdadagdag kulay sa kwento sa pamamagitan ng mga kanta at jokes sa animated movie. Si Mulan ay bibigyang buhay ng isa sa mga kilalang Chinese actresses na si Liu Yifei.

Inaasahan ang Mulan sa taong 2020, excited ka na ba para dito? Kami rin kaya’t sabay-sabay tayong mag-abang ng update ng pelikulang Mulan.

Kung hindi mo pa napapanuod, narito ang teaser trailer ng Mulan, mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top