Now Reading
Hindi Mo Dapat Palampasin Ang Disney’s The Lion King at Pandora Collection Na Ito

Hindi Mo Dapat Palampasin Ang Disney’s The Lion King at Pandora Collection Na Ito

Siguradong excited na kayong mapanood ang The Lion King sa nalalapit nitong paglabas sa mga sinehan sa ika-17 ng Hulyo ngayong taon at dahil hindi na makapag-hintay ang lahat sa pelikulang ito isang natatanging collaboration ang inilabas ng Pandora at ng Disney para sa pelikulang ipapalabas. Pandora at Disney? Paano?

Kilala ang Pandora sa kanilang mamahalin, well-crafted, at magagandang accessories at jewelries gaya ng mga hikaw, bracelet, necklace, at charm. Kaya naman ang collaboration na ito ay isang ulitimate fashion at jewelry goal para sa mga fans ng The Lion King.

Dito sa SHY, ibabahagi namin sa inyo ang limited edition at exclusive collection na ito ng Pandora at Disney.

Ang pinakabagong collaboration ng Disney at Pandora ay sumisimbolo sa lakas at natatanging kapangyarihan ng pamilya at pagkakaibigan. Isa ang Simba charm na nagpapaalala sa lahat na laging tatandaan kung sino ka, sa iyong panlabas at panloob na pagkatao.

Tingnan ang Simba collection na ito kung saan kabilang ang isang Simba charm, Simba & Mufassa Sunset Dangle charm, at ang Crown Ring.

At dahil ang The Lion King ay sumisimbolo sa importansya ng pamilya at kaibigan narito rin ang jewelry collection nila Simba, Timon, at Pumba.

Tunghayan ng pagmamahalan nila Simba at Nala sa charm na ito.

At ang silver bangle na mayroong unique na naka-engrave. (Mag-swipe para makita ang mensahe sa bangle.)

Isang collection din ang inilabas upang maipahayag ang pagka-inner lioness ng isang babae sa collection kung saan may set ng mga singsing, bracelet, at necklace kung saan halos lahat ay gawa sa gold.

Kaya’t ano pang hinihintay mo? Pumunta na sa pinakamalapit na Pandora outlet store o sa kanilang online store upang masubukan ang natatangi at eksklusibong collection.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top