Now Reading
Hindi na Kailangan Maghintay ng Bagong Taon Para Makapagsuot ng Polka Dot Dahil Pasok ito sa Uso Ngayong Taon

Hindi na Kailangan Maghintay ng Bagong Taon Para Makapagsuot ng Polka Dot Dahil Pasok ito sa Uso Ngayong Taon

Ang “polka dot” ay isang uri ng pattern na mula sa mga hugis na bilog. Maaari itong gawa sa iba’t iba o pare-parehong laki at kulay, ngunit ang nakasanayan natin ay ang itim at puti. Ang tela na gawa sa bulak at sutla ang karaniwang ginagamit sa mga polka dot na damit. Ito ay kadalasang makikita sa mga retro na outfit gaya ng mga bestida, palda at blusa.

Saan nagsimula ang “polka dot”?

Ang pangalan na “polka dot” ay galing sa kilalang sayaw noong ika-labinsiyam na siglo sa bansang Czech Republic. Ang ibig sabihin ng salitang “polka” ay isang babae na may lahing “Polish”. Ang mga babaeng mananayaw ay nagtatanghal sa mga “polka clubs” na may suot suot na uniporme na may disenyong bilog-bilog.

Ano ang tamang paraan ng pagsuot ng polka dot na damit?

Libo-libong disenyo ng polka dot ang matutunghayan sa mga tindahan ngayon. Maliit o malaki, kalimitang pare-pareho ang laki ng mga bilog nito. Minsan, ang disenyo ay gawa sa maliliit at malalaking bilog. Dapat tandaan na mas malaki ang bilog, mas lalong malaking tignan ang may suot nito. Kaya iwasan ang pagsuot ng malalaking polka dot designs lalong lalo na kung hindi ka katangkaran. Aming ipinapayo na kung bibili man ng polka dot na disenyo ng damit, piliin ang maliliit na bilog imbis na malalaki.

Polka dot na palda

Source: Google

Babaeng babae kang tignan kapag polka dot ang palda na suot mo. Kung ang haba ng palda ay hanggang sa ilalim ng tuhod, bagay na bagay ito sa pantaas na may mahabang manggas gaya ng nasa larawan. Ipares ito sa mga accessories gaya ng shoulder bag at kwintas para mas lalong “feminine” ang dating.

Polka dot na pantaas

Source: Google

Ang polka dot na blusa ay maaaring iterno sa pambaba na may disenyong stripes. Maaari itong isuot sa halos kahit anong okasyon na hindi pormal. Tandaan, mas maliit ang bilog ng polka dot, mas lalo kang maliit tignan.

See Also

Polka dot na pantalon

Source: Google

Kung mayroong palda, mayroon ding pantalon! Ipares ang polka dot sa pantalon sa mga damit na walang disenyo para magkaroon ng tamang balanse. Maaari itong isabay sa bandeau at blazer gaya ng nasa larawan para may pagka-sporty ang dating.

Polka dot na bestida

Source: Google

Hindi mo na kailangan maghintay ng bagong taon para makapagsuot ng bestida na may disenyong polka dot dahil usong uso ito ngayon kahit walang okasyon.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top