How to Be Gorgeously Awesome sa mga Extra Outfit na Ito!

| | , ,

Natural sa ating mga kababaihan ang magsuot ng iba’t-ibang klaseng damit na naaayon sa panahon, okasyon, personalidad, at madalas, sa ating mood. At dahil mas madalas na nakadepende ito sa ating mood, nais natin maging extra. Extra? Tama, extra pagdating sa style, pagiging fashionista, at extra pagdating sa kasuotan. Ang pagiging extra pagdating sa mga outfits ay isang paraan ng ating self-expression, nais nating iparating sa iba na pagdating sa fashion at style ay maaari tayong maging inspirasyon at malayang pagpapahayag ng ating unique at kakaibang style pagdating sa fashion. Kaya’t aming ihahatid sa inyo ang pinaka-extra outfit na pwede niyong subukan at maisuot at mga inspo natin sa mga kasuotang ito.

Extra Chic at Street Outfit

Nauuso sa panahon ngayon ang pagsusuot ng crop top at iba’t-ibang pants, trousers, at skirts na may sari-saring disenyo, kulay, at style. Ang basic na crop top at trousers ay pwede mong ternuhan ng fur coat upang mas maging extra chic ang iyong look!

At tignan kung paano magiging super extra sa plaid trouser pants na ito at kung paano at ano ang mga bagay na top para dito. Mainam na gumamit ng plain na top dahil sa plaid na ang pants na suot ng ating modelo sa ibaba, samahan ito ng cap at eyeglasses upang mas maging kaaya-aya pa ang iyong outfit.

Hindi naman pahuhuli ang usong biker shorts at over sized na top. Tingnan ang ating modelo sa kanyang extra outfit of the day o #extraootd sa kanyang biker shorts at oversized na top at fur blazer at sa kanyang LV socks na tinernuhan niya ng heels. Isang iconic extra outfit na dapat mong subukan!

Dumako naman tayo sa mga skirts. Dahil sa dami ng nauusong plaid skirt, high waist, at mga coords madalas naghahanap tayo ng makakapagbigay sa atin ng isang unique look lalo na para sa mahihilig na magsuot ng skirt. At kung mahilig ka sa feathery outfit para sa iyo ang extra outfit na ito. Tignan ang layer ng feathered design sa skirt at ang kulay nito!

Isa sa mga makakapagbigay marahil ng “wowmoment para sa iyo ay ang pagsusuot ng glittery o sparkly style na damit at hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsusuot nito, tignan ang ating mga inspo sa larawan.

Isang cowgirl inspo look at para maging extra ito ay gumamit ng sequin style na top sa kaniyang cowgirl inspired trouser pants at boots.

Maging katangi-tangi at mangibabaw sa lahat gamit ang sparkly skirts na ito!

At maging extra sa pagsusuot ng classic sparkly robe.

Hindi mo dapat palampasin ang susunod nating mga inspo. Kilala ang mga personalidad na ito, hindi lamang sa kanilang kontribusyon sa industriya ng musika, kung hindi sa fashion din! Sila ang mga tinaguriang fashion icon at pagdating sa pagiging extra, siguradong hindi sila pahuhuli.

Lady Gaga

Maging kasing extra ka kagaya ng iconic singer na si Lady Gaga. Kilala siya hindi lang sa kaniyang mga kanta, kung hindi maging din sa kaniyang sariling style, at pagiging extra kahit sa simpleng mga kasuotan.

Cardi B

Syempre hindi mawawala sa ating listahan ang rapper at sa kaniyang “more is more” fashion style. Tingnan ang kaniyang extra outfit bilang inspo.

View this post on Instagram

Please me

A post shared by Iamcardib (@iamcardib) on

View this post on Instagram

LV🎀CC

A post shared by Iamcardib (@iamcardib) on

View this post on Instagram

Do my back like I do these records BREAK THAT SHIT!

A post shared by Iamcardib (@iamcardib) on

Christina Aguilera

Maituturing na isa sa mga haligi na ng industriya ng musika si Christina Aguilera at sa kanyang Evolution of Fashion Style na talaga namang super extra outfit ang dating, magmula sa kanyang pagsikat noong 1993 at hanggang ngayon ay hinahangaan pa rin siya pagdating sa kanyang mga extra outfits!

View this post on Instagram

#iHeartXTINA

A post shared by Christina Aguilera (@xtina) on

Kaya’t maging extra sa mga outfit inspo na ito at maging awesome!

Previous

Zendaya Has Colored Her Hair Red and We Think We’ve Just Hit The Jackpot

Best 6 Outfits to Flaunt Your Curves na Hindi Mo Dapat Palampasin

Next