How to Upgrade Your Look Using Ugly Shirts and Sweaters

| | ,

Isa sa mga hindi mawawalang damit sa ating mga kababaihan ay ang tshirt at sweater, dahil sa iba`t-ibang kulay, style, design at uri nito mas madali para sa atin na gamitin ito sa kahit na anong uri ng okasyon. At madalas sa dami ng mga tshirt at sweater natin ay naluluma, nalalakihan at nawawala sa uso ang mga ito at minsan ay tinatapon, binebenta o dino-donate natin. At ngayon para maiwasan ang panghihinayang sa mga lumang tshirt at sweater na meron ka, tuturuan ka naming na ma-upgrade ang iyong look. Kaya wag mo munang itapon o isantabi ang mga damit na yan dahil siguradong pagkatapos mo itong basahin susuotin mo ulit ang mga luma at faded na tshirt at sweater na meron ka.

DIY Look

Naghahanap ka ba ng total makeover ng tshirt at sweater mo? Eto ang DIY ideas para ma-upgrade ang iyong damit. Gamit ang iyong pagkamalikhain at talent sa pagnanahi, maari mon ang ma-achieve ang ganitong make over sa iyong sweater at damit, kagaya ng mga nasa larawan. Makikita ang before and after ng lumang damit at ang pwede mong maging look kapag suot mo ito.

Street style

At syempre para makuha ang street style na hanap natin, magandang ipares ang mga oversize shirt sa jeans, eto man ay mapa-skinny, ripped o boyfriend jeans ay siguradong makukuha mo ang style na gusto mo.

View this post on Instagram

monday

A post shared by @ lilymontasser on

Maari mong itali ang lumang tshirt para mas mahulma ang iyong bewang.

Maging ang denim skirt at pagsusuot ng jacket at ibang accessories ay mainam na ipares sa lumang design na shirt.

Magiging ala Alice in wonderland ka sa style na ito, sapagkat maari mong pagsamahin ang sweater mo at tshirt na luma para sa swag na style na ito.

View this post on Instagram

Alice in her own wonderland 🦋

A post shared by Kasia Winiarska (@kasiakwin) on

No Short Look

Sino ang magaakala na pwedeng tshirt lang pwede na? Bakit hindi diba? Ang mga luma at oversize shirt na abot hanggang binti ay maganda para sa iyang casual na look. Samahan lamang ito ng mga trending na bag o pouch at Tshirt palang ay maho-hook na ang iba sa iyong style!

Biker Shorts

Dumako naman tayo sa isa sa mga trending na outfit ang biker shorts, binibigyan ng biker shorts ang lumang tshirt ng ibang dimension sa kahit anung sukat ng katawan, kagaya ng mga inspo natin sa mga larawan.

Alam naming gusto mo pang makakuha ng idea kaya`t heto nag video kung saan pwede kang mag mix and match ng iyong mga outfit para sa lumang tshirts.

Dumako naman tayo sa mga sweaters, paano mo nga ba masusuot ang mga pinaglumaan mong sweater o mga malalaking sukat nito?

One side Off shoulder

Kung ikaw ay maraming oversize sweater na kagaya nito, at napakadami mon ang style na magagawa gamit lanag ang isang damit at belt. Buksan lamang ang ilang butones ng damit at maglagay ng belt sa bewang at siguradong magiging instant Fashionista ka!

Jumper

Para ma-achieve ang Chic look at style na ito kumuha lang ng mga lumang sweater at ipatong ang paborito mong jumper at siguardong lahat ay mapaplingon sa iyo. Masdan ang ating mga inspo para sa look na ito.

At para sa mas detalyadong idea at paraan kung paano mo mabibigyan ng buhay ang iyong lumang sweater panuorin ang video.

Gamit ang ating creativity at imahinasyon marami pa tayong pwedeng magawa sa ating mga lumang gamit gamit na lang ng tshirt at sweater kaya`t subukan na ang mga istilong ito!

Previous

MagTOP sa Fashion Trend sa 7 Paraan ng Pagsuot ng Crop top

Best White Ink Tattoo na Kailangan mong Subukan

Next