Huwag Magpahuli sa Uso: Narito na ang mga Bagong-labas na Makeup Ngayong Hunyo!

| | ,

Sa kasalukuyang panahon na ating ginagalawan, kapansin-pansin ang madalas na pagsulpot ng kung ano-anong klase ng makeup sa Instagram, Facebook, at maging sa telebisyon. Kadalasa’y hindi na natin malaman kung alin ang dadamputin sa mga tindahan ng makeup dahil para bang gusto natin masubukan lahat upang matagpuan ang produkto kung saan tayo hiyang. Kaya naman nandito ang SHY Philippines para ihatid sa inyo ang pinakamagaganda at pinakabagong labas na makeup para hindi mahuli sa uso! Ngayong buwan ng Hunyo, may ilang mga bagong labas na makeup mula sa tatak na Sephora, isang sikat na kompanya ng makeup na gawa sa Paris, France. Mula sa facial cleansers, highlighters, at eyeshadow, ang mga produktong ito ay sadyang dinisenyo para sa mainit na panahon gaya dito sa Pilipinas. Heto at pinili namin ang mga produkto na maaari ninyong idagdag sa inyong koleksyon!

Huda Beauty Neon Obsessions Palette (P1,850)

Source: Elite

Hindi ba’t ang ganda ng mga eyeshadow palettes na ito? Ang Neon Obsessions Palette ang pinakabagong labas na pressed pigment palettes ng Sephora ngayong June 2019. Maaari kang pumili sa tatlong iba’t ibang kulay: Neon orange, Neon green, at Neon pink. Ang bawat isa sa kanila ay may laman na siyam na matte, metallic, at shimmer palettes na paniguradong magbibigay kulay sa sinumang magsuot nito.

Sephora Rouge Lacquer Lipstick (P745)

Source: Project Vanity

Ang lipstick na ito ay may tinatawag na “lacquer finish”, kung saan magaan at mala-lip balm ang pakiramdam sa labi ngunit makinis at matingkad ang kulay na hatid nito. Mayroon rin itong mango at shea butter na magbibigay ng kinis at bango sa inyong mga labi. Mabibili ito sa labing apat na iba’t ibang kulay mula sa website ng Sephora Philippines sa halagang P745 kada lipstick.

Too Faced Damn Girl 24-hour Black Mascara (P1,349)

Huwag magpahuli sa pinakabagong mascara ngayong 2019. Ang Too Faced Damn Girl mascara mula sa Sephora ay magaan sa pilikmata. Mayroon itong kakayahan na pahabain at pakapalin ang inyong pilikmata dahil sa makabagong teknolohiya na ginamit dito. Ang brush ng mascarang ito ay may dual fiber infinity technology na magpapantay sa paglalagay ng inyong mascara. Tumatagal ito sa loob ng bente kwatro oras kaya naman di mo na kailangan mag-retouch ng paulit-ulit.

Drunk Elephant Rise and Glow Duo (P1,355)

Source: Sephora

Para sa malusog na balat, gumamit ng serum gaya ng Drunk Elephant Rise and Glow. Ito ay may mga antioxidants at iba’t ibang bitamina na magbibigay ng magandang kutis at kulay sa inyong mukha. Sa halagang P1,355, mayroon ka nang day serum na may C-Firma at intensive hydrations serum na may B-Hydra. Pinapakinis nito ang mukha, lalo na ang mga may pagod at dry na balat.

Previous

Mga OOTD Para Makasabay sa Uso Ngayong 2019

Mga Abot-Kayang Makeup Brush Sets at Kung Saan ito Mabibili

Next