Now Reading
I-follow ang Mga Instagram Accounts na ito Para Di Mahuli sa mga Pinakamasasarap na Pagkain!

I-follow ang Mga Instagram Accounts na ito Para Di Mahuli sa mga Pinakamasasarap na Pagkain!

Ang Instagram ay isang makabagong teknolohiya sa larangan ng social media na nilikha para sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao saan mang sulok ng daigdig sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga larawan at video gamit ang internet. Tulad ng Facebook, ang lahat ng gumagamit ng Instagram ay mayroong sariling personal profile at grupo ng mga online na kaibigan o yung tinatawag na “social network”. Ang plataporma na ito ay nagbibigay pahinutulot sa milyon-milyong katao na magbahagi at tumingin ng iba’t ibang mga larawan at video sa isang pindot sa kanilang cellphone, laptop, desktop, o tablet. Gaya ng ibang social media platforms, ang bawat Instagram user ay maaring mag-comment, like, tag, at magpadala ng mensahe anumang araw o oras naisin nito. Dahil napakadali nitong gamitin, bilyon-bilyon na ang gumagamit ng Instagram sa buong mundo sa loob ng isang buwan.

Dito sa SHY Philippines, ibabahagi namin sa inyo ang ilang Instagram accounts na tungkol sa mga “in” na pagkain na siguradong makakapagbigay ng ilang ideya ng masasarap na pagkain mapa-lutong bahay man o hindi. Siguraduhing i-follow ang mga Instagram accounts na aming babanggitin para hindi mahuli sa pagtikim ng pinakamasasarap na pagkain!

@masarapba

Ito ang pinakamakatotohanang personal food review account sa Instagram! Mula milk tea, fried chicken, lasagne, hotdog, ice cream, cake, inumin, de lata, tsitsirya, pansit, tsokolate, ulam, at maging frozen goods, dito mo madidiskubre ang mga masasarap na pagkain batay sa hatol ng may-ari ng Instagram account na ito — na hanggang ngayon ay nananatiling “anonymous”.

@foodislifeph

Hindi ka magsisising i-follow ang Instagram account ni “Food is Life PH” dahil hitik ito sa pinakamasarap na pagkain na di lang maganda sa paningin kundi pati na rin sa panlasa. Matatagpuan dito ang iba’t ibang pagkain at inumin mula sa iba’t ibang restaurant at establisyemento gaya ng Illustrado, Stockwell, BLK513, Baird Beer, Draft, Delivery Guy, at iDartDash.

@letseatpare

Ang Let’s Eat Pare ay isang grupo ng mga restaurant vendors at owners na mahilig sa pagkain. Itinatag ito para sa layunin na pagkaisahin ang mga may-ari ng restaurant at mga customer nito. Isa ito sa pinaka-maaasahang sanggunian kung saan matatagpuan ang pinakamasasarap na pagkain. Sa katunayan, noong nakaraang Abril ng taong ito, nagsagawa ang Let’s Eat Pare ng tatlong araw na kaganapan na tinawag nilang “Art and Vintage Pare” sa Capitol Commons Park, kung saan tampok ang masasarap na pagkain at magagarbong likha ng sining.

@foodgrammer.ph

See Also

Bukod sa pagdiksubre ng mga Instagram-worthy na larawan ng pagkain ni “Foodgrammer PH”, matututo ka rin ng ilang teknik o pamamaraan sa paglitrato ng pagkain mula sa Instagram account na ito. Ilan sa mga larawan rito ay mula sa iba’t ibang Instagram users na may talento sa pagkuha ng litrato ng pagkain.

@eatsplorations

Ang “Eatsplorations” ay nagmula sa mga salitang “Eat and Explore”. Ito ay kasalukuyang mayroong 60,800 followers at 4,021 posts. Bawat araw ay mayroon kang makikitang bagong pagkain sa mga post ni “Eatsplorations” kaya tiyak na di ka mauubusan ng mga pagkain na pwede mong subukan at tikman.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top