Now Reading
Ina ni Gerald Anderson palaban na nagsalita tungkol kay Bea Alonzo atsa mga isyung kinakaharap ng kanyang anak

Ina ni Gerald Anderson palaban na nagsalita tungkol kay Bea Alonzo atsa mga isyung kinakaharap ng kanyang anak

Isang eksklusibong interview kay Evangeline Opisma, Vangiee, ina ng actor na si Gerald Anderson tungkol sa isyung kinakaharap ng kanyang anak sa hiwalayn nila ni Bea Alonzo at ang umanoy kaugnayan nito kay Julia Barretto. Ang interview ay naganap noong Biyernes Agosto 23 sa TV Patrol South Central Mindanao.

View this post on Instagram

Happy Birthday 👩‍👦

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Si Mommy Vangie ay naglabas ng kanyang sama ng loob at hinanakit sa aktres na si Bea Alonzo, hindi na umano kaya pang manahimik ni Mommy Vangie sa mga masasakit na akusasyon at balita para sa kanyang anak mula noong lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Bea. Ikinumpara din ni Mommy Vangie kung paano si Bea noon kay Zanjoe Marudo, dating nobyo ni Bea, nung sila ay naghiwalay, “Hiniwalayan mo si Zanjoe. You didn’t say anything laban kay Zanjoe. Naghiwalay kayo na matagal kayong [may] relasyon na ilang taon. Dumating sa buhay mo si Gerald. Ngayon, tuwing may kamali ang anak ko, tuwing may nagawang mali si Gerald, agad kang lumantad sa TV. Nililiit mo ang anak ko” isang matapang na pagtatanggol sa kanyang anak na si Gerald.

View this post on Instagram

Grateful ..

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Sinabi din ni Mommy Vangie na pagdating sa buhay pag-ibig ng kanyang anak ay hindi nya ito pinipigilan, “Bea, siguro alam mo na, ako, walang gusto sa ‘yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako. Ginusto ka ng anak ko, minahal ka ni Gerald. Hindi ka niya binastos kailanman. Kahit hindi niya alam na nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya. Ngayon, ganito na lang gawain mo sa kanya, binabasura mo ang bata? Lagi mong pinapatamaan ang anak ko.” pahayag ni Mommy Vangie para kay Bea.

Isa rin sa inilabas na hinanakit ng in ani Gerald ay ang mga komento umano at pagsasabi ng mga masasama tungkol sa kanyang anak ng makeup artist ni Bea, “Isa pa hindi ko nagugustuhan, pati make-up artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko. Hindi naman ako puwedeng manahimik sa mga lumalabas na isyu, lalo na si Bea na humaharap talaga sa TV.”  emosyonal na pahayag ni Mommy Vangie sa kanyang eksklusibong interview.

Nagbigay din ng komento at paalala para kay Julia na nababalitaang nililigawan ni Gerald, “Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita. No. Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please, ayaw ko kasi may edad na rin Gerald sa ‘yo. Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya ka rin.” ani ni Mommy Vangie para kay Julia Barretto.

Sa ngayon ay walong taon ang tanda ni Gerald Anderson kay Julia Barretto at iyon ang dahilan kung bakit nasabi ito ni Mommy Vangie, wala namang tugon o komento si Gerald,Bea o Julia sa interview na ito.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top