Now Reading
Inilabas na ang “Top 12” na Awitin Mula sa Himig Handog Ngayong 2019

Inilabas na ang “Top 12” na Awitin Mula sa Himig Handog Ngayong 2019

Sa likod ng bawat kanta ay isang istorya: “happy ever after”, “heartbreak”, pagkabigo, komedya, trahedya, o hugot. Sa Himig Handog, maaaring magpadala ng isa hanggang dalawang orihinal na komposisyon ang sinumang Pilipino sa pamamagitan ng pag-rehistro sa website nito. Ang mga kataga ng bawat awitin ay dapat nasa wikang Pilipino o kombinasyon ng Tagalog at wikang Ingles. Ang Himig Handog ay ang pinakamalaking kompetisyon ng “songwriting” sa Pilipinas. Ito ay sinimulan ng music subsidiary ng ABS-CBN na “Star Records” noong taong 2000 hanggang 2003. Noong taong 2013, muling ni-“revive” ang paligsahan sa ilalim ng temang “P-pop Love Songs: Mga Awit at Kwento ng Pusong Pilipino”.

Karamihan sa mga kanta dito ay nagiging kilala bilang theme song sa mga programang telebisyon, takilya, at maging sa mga commercials. Ilan sa mga kilalang interpreter ng mga kanta na isinumite sa Himig Handog ay sina Daniel Padilla, Moira dela Torre, Gloc-9, Wynn Adrada, Morisette Amon, KZ Tandingan, Jovit Baldovino, Angeline Quinto, at Janella Salvador.

See Also

Source: Starmometer

Ngayong 2019, inilabas na ang Top 12 na kanta sa Himig Handog at kabilang dito ang mga awiting pinamagatang “Alaala” ni Alekzandra Nicole Quitalig mula sa Imus, Cavite; “Ikaw at Linggo” ni Eamarie Gilayo ng Davao Del Sur; “Ingat” ni Ferdinand Aragon ng Cebu; “Isa Pang Ikaw” ni Joseph Ponce ng Quezon City; “Mabagal” ni Dan Martel Simon Tañedo ng Antipolo; “Nung Tayo Pa” ni Rex Torremoro at Elmar Jan Bolaño ng Iloilo; “Paano Ba” ni Richanne Charms Jacinto ng Lipa, Batangas; “Panandalian” ni Jerome Arcangel at Cee Jay Del Rosario ng Isabela; “Please Lang” ni Michael Angelo “Aikee” Aplacador ng Pateros; “Sasabihin Ko” ni LJ Manzano at Joan Da ng Davao; “Sa’yong Mundo” ni Noah Zuniga ng Quezon City; at “Simula ng Dulo” ni Davey Langit ng Quezon City at Therese Marie Villarante ng Cebu.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top