Now Reading
Isang Miyembro ng Royal Family ang Magkakaroon ng “Cameo Appearance” sa Susunod na Pelikulang James Bond

Isang Miyembro ng Royal Family ang Magkakaroon ng “Cameo Appearance” sa Susunod na Pelikulang James Bond

Kilala niyo ba kung sino si James Bond? Noong taong 1962, unang ipinalabas sa takilya ang pelikula na pinamagatang “James Bond” kung saan tampok ang istorya ng isang British secret agent na may “codename” na “007”. Si James Bond ay nagtatrabaho para sa MI6, isang secret intelligence service sa ilalim ng pamahalaan ng bansang United Kingdom na binuo para sa pambansang seguridad ng bansa. Mula noon hanggang ngayon, kilala ang palabas na ito sa mga kakaibang “high-tech” gadgets gaya ng magarbong kotse na lumalangoy, mamahaling relo na pwedeng maging bomba, at dugong may GPS tracker.

Ilang mga sikat na aktor ang gumanap bilang James bond tulad nina Sean Connery, David Niven, George Lazenby, Roger Moore, Timothy Dalton, Pierce Brosnan, at Daniel Craig. Ang pinakabagong James Bond movie ay inilabas noong taong 2015 at pinamagatang “Spectre”. Sa kasalukuyan, ito ay kumita na ng halos pitong bilyong dolyar. Kay rami na ring parangal ang napanalunan nito sa prestihiyosong Academy Awards mula Best Sound Effects, Visual Effects, Original Song, at Sound Editing.

Source: Hello Magazine

Ayon sa isang British magazine na “The Sun”, ang pitompung taong gulang na anak ni Queen Elizabeth na si Prince Charles ay naimbitahan na gumanap bilang “Bond 25” sa susunod na James Bond movie. Ayon sa mga producer ng pelikula, ang prinsipe ang pinakamagandang sagisag ng pagiging Briton at ang paglabas niya sa pelikulang ito ay magbibigay ng malakas ng dating lalong lalo na sa mga panatiko ng Royal Family at ng James Bond movie. Nagsimula ang diskusyon tungkol sa papel nito sa pelikula nang binisita ni Prince Charles ang set ng James Bond sa Pinewood Studios noong buwan ng Hunyo. Ayon sa isang source, sana ay pumayag ang prinsipe na gumanap kahit ilang segundo lamang dahil tiyak na papatok ito sa takilya.

Source: Hello Magazine
Source: Hello Magazine

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top