Now Reading
Jane de Leon, Ang Bagong Darna, Agad Sumabak sa Matinding Training

Jane de Leon, Ang Bagong Darna, Agad Sumabak sa Matinding Training

Inabangan ng lahat kung sino ang susunod na sisigaw ng “Ding, ang bato!” Matapos ipahayag ni Liza Soberano na hindi na niya magagampanan ang pagiging Darna dahil sa injury nito, binuksan sa lahat ang audition at paghahanap sa susunod na Darna. At noong nakaraang linggo, isinapubliko na na nahanap ang susunod na Darna. Sa dami ng mga kababaihang nag-audition sa role na ito, pinili ang walang iba kundi ang aktres na si Jane de Leon.

Si Jane ay ating napanuod sa soap opera na Halik bilang kapatid ni Jericho Rosales. Ayon kay Olivia Lamasan, managing director ng Star Magic, nakitaan nila ang 20 taong gulang na aktres ng natatanging talento at ganda na angkop upang gumanap bilang Darna.

Nung una hindi makapaniwala si Jane de Leon na siya na ang susunod na Darna kaya gulat, may halong kaba, at syempre kasiyahan nang ito ay kanyang marinig mismo sa mga big boss ng ABS-CBN.

Dahil dito, kailangan niyang mag-training upang maging physically fit at maging angkop ang kanyang kakayahan para sa role. Isa ang training sa matindi at kailangan gawin ni Jane de Leon upang maiwasan ang injury at dahil na rin sa pangangailangan ng role. Lingid sa ating kaalaman, si Darna ay isang Pinay superhero, kaya’t inaasahan ang mga pisikal at action-packed na mga eksena kaya naman agad siyang sumabak sa Muay Thai training upang ma-tone up ang kanyang katawan at maihanda siya sa mas ma-eksenang stunts.

At lahat ay nag-aabang sa mga update ng ating susunod na Pinay superhero at ang mga tatahakin ni Jane de Leon para sa role na ito at narito ang pahayag ng director na si Jerrold Tarog tungkol sa kanilang pagpili kay Jane de Leon.

Tignan ang mga larawan ni Jane de Leon upang makumpleto ang inyong araw mga ka-SHY!

View this post on Instagram

My face whenever I was asked what to eat

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top