Now Reading
Jessy Mendiola: Sinagot ang isang “Basher” sa Instagram

Jessy Mendiola: Sinagot ang isang “Basher” sa Instagram

View this post on Instagram

Sheket ulo. 💁🏻‍♀️

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Si Jessy Mendiola ang dalawampu’t anim na taong gulang na aktres na nakilala sa palabas na “Maria Mercedes” bilang bida. Ipinanganak siya sa Dubai kung saan dating nagtatrabaho ang kanyang ama na may lahing Lebanese-British. Ang ina ni Jessy ay isang Pilipina at mayroon siyang dalawang kapatid. Siya ang nobya ng kilalang artista at TV host na si Lucky Manzano.

View this post on Instagram

@radiant.lux.jewelry 💎

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Mula taong 2004 hanggang sa kasalukuyan, tampok si Jessy sa ilang mga palabas sa telebisyon. Ilan sa mga ito ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Hanggang Kailan”, “Maalaala Mo Kaya”, “Katorse”, “Sabel”, “It’s Showtime”, at “Wansapanatym”. Samantala, ilan sa kanyang mga pelikula ay ang “Must Date the Playboy” noong 2015, “Mano Po 7: Tsinoy” noong taong 2016, “The Girl in the Orange Dress” noong 2018, at “Stranded” ngayong taong 2019.

Madalas mag-post ng mga larawan si Jessy Mendiola sa Instagram at kamakailan lamang ay may isang “basher” na nagkomento sa isa sa kanyang mga post tungkol sa kanyang karera sa showbiz. Sinabi nito na maganda sana si Jessy ngunit wala na siyang palabas o proyekto. Lingid sa kanyang kaalaman, si Jessy ay kabilang sa bagong palabas sa telebisyon na “Sandugo” kasama ang ilang magagaling na artista gaya nina Elisse Joson, Ejay Falcon, Aljur Abrenica, Ariel Rivera, Aiko Melendez, Cherry Pie Picache, Arlene Muhlach, Ogie Diaz, Jeric Raval, Maika Rivera, at Cogie Domingo. Magalang itong sinagot ni Jessy at sinabing siya mismo ang may kagustuhang makapagpahinga.

View this post on Instagram

classique 🌹

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Noong Oktubre ng nakaraang taon, hindi nag-renew ng kontrata sa Star Magic ang aktres kaya ilang spekulasyon ang lumantad na lilipat na siya sa kabilang network. Ngunit sinabi ni Jessy sa isang interview na ang dahilan nito ay nais niyang makadiskubre ng iba pang “options” sa mundo ng show business. Dagdag niya, ang Star Magic ay naging mapag-aruga at mabait sa kanya simula nang pasukin niya ang industriyang ito kaya palagi itong magiging bahagi ng kanyang karera.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top