Now Reading
Julia Barretto diretsong sinagot ang mga isyu tungkol sa kanya

Julia Barretto diretsong sinagot ang mga isyu tungkol sa kanya

Isang direstsahang sagot ang ibinigay ni Julia Barretto sa isang exclusive interview nya sa ABS-CBN News noong Huwebes, Agosto 22. Ang interview ay naganap sa volleyball training session para sa All-Star Games sa Linggo. Matatandaang ilang linggo narin ang nakalipas mula noong ibinahagi ni Juia ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng Instagram post kung saan ay pinabulaanan nya ang mga paratang sa kanya. At ito ang uang beses na magsasalita ang aktres tungkol sa isyu.

View this post on Instagram

Next chapter.

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Ang unang tanong sakanya ay kung anu ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Gerald? “Tapusin na lang natin ‘to. Let’s clear this whole issue, so that we can put this to rest. Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala rin akong nilandi.” isang diretsong sagot ang pahayag ni Julia ukol dito.

Bukod dito ay tinanong din si Juila kung totoo bang nililigawan siya ni Gerald at sinabi nyang “Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan. Pero nananatili siyang matalik kong kaibigan ngayon.”

View this post on Instagram

i’m glad we never gave up on our dreams 🕊

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Tinanong din si Juila ukol sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Joshua Garcia, kung ito ba ay dahil kay Gerald, “Definitely hindi third party… It’s always been our own issues. We’re also very young, so we’re still trying to figure out ourselves, our direction in life, and what we really want. I think the decision that we made was a mutual decision because we knew ‘yon ang makakabuti para sa isa’t-isa. At the end of the day, pinili namin ang makakabuti para sa isa’t-isa. Ayaw na naming i-damage ang isa’t isa, so we protected each other because there is love.” paglilinaw ni Julia sa hiwalayn nil ani Joshua Garcia kung saan si Gerald Anderson ang sinasabing naging dahilan nito na nagsimula sa pinagsamhan nilang pelikula na Between Maybes.

See Also

Isang tanong din ang nakapagmulat sa pinagdadaanan ni Julia nang dahil sa kontrobersya, “Like I said, hindi biro ang pinagdadaanan naming lahat. Ayokong i-angkin ang mga nangyayari. Lahat kami, nasasaktan. We all have our own story. We’re all dealing with our own pain. Ang pinakamasakit pa doon is nadamay ang mga pamilya namin. I’m in the process of moving forward and healing. This is not the right time anymore to point fingers.” paglalahad ni Juli ng kanyang nararamdaman pati narin ang naging epekto nito hindi lang sa kanya kundi pati sa kanyang pamilya.

Nabanggit din nya kung paano sila, Bea Alonzo at Gerald Anderson, nahihirapan at ang kanilang sitwasyon ukol sa isyu, She’s hurting, he’s hurting, but so am I. I’m really in so much pain right now. But kailangan magpakatatag e. We have to get back on our feet, move forward, and heal from this. Wala kaming choice. We just have to respect each other’s pain. Everyone is hurting. Hindi madali ang pinagdadaanan naming tatlo.”

Dasal naming ang paghilom, pagpapatawad at muling kasiyahan para kina Julia, Bea at Gerald.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top