Now Reading
Kikiligin ka ng Wagas sa music video ng kantang Mabagal nila Moira dela Torre at Daniel Padilla

Kikiligin ka ng Wagas sa music video ng kantang Mabagal nila Moira dela Torre at Daniel Padilla

Napanuod mo na ba ang music video ng pinaka bagong kanta ni Daniel Padilla at Moira dela Torre na pinamagatang “Mabagal”? Isinulat ni Dan Martel Simon Tañedo at na entry para sa Himig Handong 2019.

At kung ikaw ay mahilig sa makalumang kanta at tugtugin tamang-tama ang kantang “Mabagal” para sa iyo, sa isang interbyu kay Moira sinabi nyang “The whole time you listen to the song, nakangiti ka lang. It’s a song that could help young people appreciate slow dancing again.” At kung matatandaan ibinahgi din ni Moira sa kanyang Instagram ang isang video kung saan makikita sila, Moira at ang asawa nyang si Jason, at ang KathNiel, Kathryn at Daniel Padilla na sinasayaw ang kanilang kantang “Mabagal” na sya namang nagpakilig sa mga netizens at nagpasabik na madinig ng buo ang kanta.

View this post on Instagram

Slow dancing w/ kathniel to "Mabagal" 🌻

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

Lingid sa ating kaalaman na mahilig kumanta ng mga makalumang kanta si Daniel at ang malambing na boses ni Moira, talaga namang mapapahugot ka ng kasayaw sa kantang ito. At noong Biyernes, Agosto 30, inilabas na music video ng kanta at may bonus pa! Kasama si Kathryn Bernardo sa music video na ito!

Makikita ang set up ng music video sa isang makalumang background, pati ang itsura ni Daniel Padilla at Moira ay makaluma din, bukod sa himig at tono ng boses nila Daniel at Moira ay siguradong maaliw ka sa pagsayaw at pakikinig ng kantang “Mabagal”

Umani naman ng papuri at sobra-sobrang kilig ang mga music video mula sa mga tagahanga lalong lalo na ang KathNiel dahil sa mga nakakakilig na eksena ni Kathryn at Daniel maging ang mag asawag Moira at Jason. At dahil isang patimpalak ang Himig Handog siguradong may makukuhang award na ang kantang ito, nakaka good vibes talaga pakinggan kaya`t heto na mga ka-SHY kung hindi mo pa napapanuod o gusto lang ulit-ulitin narito ang music video ng “Mabagal”

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top