Now Reading
Kilalanin ang Bagong Nobya ni Mark Herras at Kung Saan Sila Nagkakilala

Kilalanin ang Bagong Nobya ni Mark Herras at Kung Saan Sila Nagkakilala

May bagong pasabog ang tatlumpu’t isang taong gulang na artista na si Mark Herras at ito ay tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Kamakailan lamang, ipinakilala ng aktor ang kanyang bagong nobya na si Nicole Kim Donesa, isang dalawampu’t limang taong gulang na kapwa niya artista sa GMA Network. Si Nicole ay nakilala mula noong kinoronahan siya bilang Miss World Philippines noong 2014. Nakatrabaho ni Mark ang aktres sa prime time series na “Bihag”.

Source: Google

Noong ika-dalawampu ng Agosto, nag-Facebook status si Mark kung saan inanunsyo niya na siya ay “In a Relationship” with Icolites Donesa. Samantala, nag-post rin si Nicole sa Instagram ng ilang mga matatamis na larawan niya kasama si Mark at nilagyan ito ng caption na “Na-bihag”. Ang teleseryeng ito ay tungkol sa buhay ng mag-asawa na naantala matapos ma-kidnap ang kanilang lalaking anak. Ang “Bihag” ay nasa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario at unang ipinalabas sa GMA noong unang araw ng Abril ngayong taon. Ang huling labas nito ay noong ika-labing anim ng Agosto at pinalitan ito ng pinakabagong teleserye ng GMA na “Prima Donnas”

Source: Google

Si Mark Herras ay isang sikat aktor sa GMA na nakilala simula nang naging kalahok ito sa palabas na “Starstruck”. Bukod sap ag-arte, magaling rin sumayaw si Mark. Siya ang dating ka-love team ng aktres na si Jennylyn Mercado. Samantala, dating nakarelasyon ni Mark ang Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn Marquez sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. Inanunsyo nila ang kanilang hiwalayan noong Pebrero ngayong taon dahil sa di umano’y di magandang epekto sa kanilang dalawa ng kanilang pagsasama. Ang paghihiwalay nila ay desisyon na silang dalawa mismo ang may kagustuhan.

Source: Google

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top