Now Reading
Kilalanin ang mga Unang Miyembro ng Team Bamboo, Sarah, at Lea ng “The Voice Kids” Season Four

Kilalanin ang mga Unang Miyembro ng Team Bamboo, Sarah, at Lea ng “The Voice Kids” Season Four

View this post on Instagram

Kapag umikot sila kaninong Team ka?

A post shared by TheVoicePH (@abscbnthevoice) on

Ang “The Voice Kids” ay isang paligsahan na mapapanood sa telebisyon kung saan ilang bata ang nagtatanghal sa pamamagitan ng pagkanta ng “live”. Ito ang ikatlong prangkisa ng “reality singing television competition” na ito sa rehiyon ng Timog silangang Asya at mapapanood ito sa channel ng ABS-CBN. Ang kauna-unahang season ng “The Voice Kids” ay ipinalabas sa telebisyon noong ika-dalawampu’t apat ng Mayo taong 2014. Ilan sa mga orihinal na “coach” o hurado na tampok sa palabas na ito ay ang mga kilalang manganganta at bokalista tulad nina Lea Salonga, Bamboo Mañalac, at siyempre – walang iba kundi si Sarah Geronimo. Sadyang kawili-wiling panoorin ang “The Voice Kids” dahil sa magigiting na mga “host” nito tulad nina Luis Manzano, Robi Domingo, Kim Chiu, at Toni Gonzaga.

View this post on Instagram

Super witty and ever candid, Toni G! 💚 #VoiceKidsS4

A post shared by TheVoicePH (@abscbnthevoice) on

Ngayong 2019, muling nagbabalik ang “The Voice Kids” sa ika-apat na season nito sa telebisyon. Ang kompetisyon na ito ay bukas sa lahat ng batang may edad pito hanggang labindalawang taon. Nagsimula na ang “blind auditions” noong Mayo at inilarawan ni Lea Salonga na magagaling at masisipag ang mga batang nag-audition ngayong taon.

Ang unang nagpataob ng tatlong upuan ng mga hurado ay isang siyam na taong gulang na batang babae na si Alexa Salcedo sa kanyang cover ng kantang “Over the Rainbow”. Si Alexa ay kabilang sa kilalang theatre musical na “Ang Huling El Bimbo”. Pinili ni Alexa na maging bahagi ng team ni Lea Salonga dahil sinabi niyang idolo niya ito.

Samantala, isang pitong taong gulang na bata na anak ng jeepney driver naman ang napunta sa team ni Sarah Geronimo. Siya si Ramjean Entera mula sa lalawigan ng Malabon at tinanghal niya ang sikat na kantang “Nosi Balasi” ng Sampaguita para sa kanyang blind audition. Inilarawan siya ni Sarah na “punong puno ng angas” sa kabila ng murang edad nito.

Ang unang miyembro naman ng Kamp Kawayan o Team Bamboo ay isang labingisang taong gulang na bata na si Tiffany Vistal. Tinanghal nito ang kantang “Stone Cold” ni Demi Lovato.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top