Now Reading
Kilay is Life: Basahin Kung Paano Magkaroon ng Magandang Kilay

Kilay is Life: Basahin Kung Paano Magkaroon ng Magandang Kilay

Ating talakayin ang isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng iyong beauty routine: ang kilay. Alam nyo ba na ang ating mga kilay ay nakakatulong sa paghubog at pagbibigay ng anyo sa ating mukha? Sa kasamaang palad, hindi lahat ay nakakaintindi ng halaga ng pagkakaroon ng tamang pagguhit sa kilay.
Kay raming produkto na magpapakapal at magpapahaba sa ating mga kilay: pencil, powder, o pomade – lahat ng ito ay magdadagdag ng ganda sa iyong mukha kung tama ang paraan ng paggamit. Laging tandaan na ang ating dalawang kilay ay magkapatid at hindi kambal – ibig sabihin, natural lang na hindi sila magkamukhang magkamukha. Ang unang panuntunan sa pagguhit ng kilay ay huwag na huwag itong kukulayan ng maitim at solid na kulay na para bang sinulatan ng pentel pen ang ibabaw ng iyong mga mata. Magsimula ng dahan-dahan mula sa loob papalabas at ingatang maging masyadong matingkad o matapang ang paglalagay nito.

Saan magsisimula at magtatapos ng pagguhit?

Source: Buzzfeed

Gamitin ang gilid ng ilong bilang gabay sa pagguhit. Ipatong ang eyebrow pencil sa tabi nito at i-align sa inner side ng iyong kilay. Ang dulo kung saan naroroon ang pencil ang syang magsisilbing tandaan kung saan ka dapat magsimulang gumuhit. Para naman sa outer side ng kilay, pagdugtungin ang eyebrow pencil mula sa tabi ng ilong papunta sa gilid ng mata. Ang point na ito ang syang dapat na katapusan ng iyong pagguhit. Narito ang drawing nang mas madali itong maintindihan.

Ano ang dapat na gamitin pansuklay sa kilay?

Source: Google

Kung ayaw mong magmukhang pinag-praktisan ng baguhang makeup artist, gumamit ng tamang tools para sa pagayos ng iyong kilay. Ang eyebrow spoolie ay isang uri ng brush na angkop para dito. Bago maglagay ng kahit na ano sa inyong kilay, suklayin muna ito gamit ang eyebrow spoolie patungo sa isang direksyon para hindi ito sabog tignan. Ang technique na ito ay makakatulong upang madaling makita ang mga spot kung saan kailangan ng dagdag na kulay.

Paano ang tamang paraan ng pagguhit?

Source: Google

Dahan-dahang guhitan ang kilay ng maiikling linya imbis na mahahaba. Ito ay para magmukha itong natural na balahibo at hindi drawing lamang. Maaari kang magdagdag ng kulay kung kinakailangan. Ang magaan na kamay ang sikreto para maging maganda at natural ang effect nito.

Paano ang tamang pag-arko ng kilay?

See Also

Source: Google

Gaya sa paggawa ng tandaan sa pagguhit, gumamit muli ng tandaan para sa arko ng iyong kilay. Ipatong ang eyebrow pencil sa tabi ng ilong at i-anggulo ito patungo sa gitna ng iyong mata. Ang puntong ito ang magsisilbing tandaan kung saan dapat ang arko ng iyong kilay.

Ano ang dapat gawin para tumagal ang inayos na kilay ng ilang oras?

Source: Google

Muling gamitin ang eyebrow spoolie at suklayin ang nakulayan nang kilay. Ito ay ginagawa para maganda ang pagkaka-blend ng iyong ginuhit sa natural mong kilay. Sa wakas, maglagay ng brow mascara o colored gel upang naka-fix ang kilay kung paano mo ito inayos. Ito ay makakatulong upang magtagal ng ilang oras ang inayos mong kilay.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top